"A Whole New World" ni Lea Salonga, the best pa rin kumpara sa bagong version

by Jojo Gabinete
May 2, 2019

Para sa amin, mas maganda pa rin ang rendition ni Lea Salonga sa "A Whole New World," ang theme song na ginamit sa 1992 Disney animated film na Aladdin.

Si Lea ang original singer ng "A Whole New World," na inawit din nila ni Brad Kane sa 65th Academy Awards noong March 23, 1993 sa Dorothy Chandler Pavilion, Los Angeles, California.

Ang "A Whole New World" ang Best Original Song winner sa Oscar Awards noong 1993 at Song of the Year ng 36th Annual Grammy Awards noong March 1994.

After 27 years, muling ginamit ng Disney ang "A Whole New World" bilang theme song ng live-action remake ng Aladdin na ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas sa May 22, 2019.

Mula sa direksiyon ni Guy Ritchie, ang ex-husband ng Queen of Pop na si Madonna, ang Aladdin.

Si Naomi Scott ang kumanta ng 2019 version ng "A Whole New World" kaya hindi maiiwasang magkaroon ng comparison sa mga singing voice nila ni Lea.

Continue reading below ↓

Undoubtely, kung ikukumpara sa pag-awit ni Naomi, mas maganda at mahusay pa rin ang rendition ni Lea sa theme song ng Aladdin, na pinasikat ng Pinay singer noong 21 years old pa lamang siya dahil tulad ng lyrics ng kanta, crystal clear ang boses ng world-class Filipino talent.

Forty-eight years old na ngayon si Lea, pero hindi pa rin nagbabago ang linis at timbre ng kanyang singing voice.

Kung pakikinggan ang version nina Lea at Naomi, makikiayon ang lahat na the best pa rin ang pag-awit ng first Miss Saigon actress sa "A Whole New World."

Hindi dahil umiral lang ang aming pagiging Pilipino kundi outstanding talaga ang rendition sa theme song ng Aladdin ng ipinagmamalaki natin na Filipina singer-actress.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results