Kapatid ni Ai-Ai delas Alas, may cameo role sa Sons of Nanay Sabel

by Jojo Gabinete
May 3, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

"Ay, sorry, akala ko katulad ‘yan ng Bulgar!"

Ito ang funny reaction ng Ate Joan ni Ai-Ai delas Alas nang malaman nitong hindi diyaryo na nabibili ang PEP.ph.

Si Joan ang nakatatandang kapatid ni Ai-Ai, na 14 years nang kasama sa lahat ng mga showbiz commitment ng Comedy Queen.

Na-excite si Joan nang sabihin sa kanyang lalabas sa PEP.ph ang litrato nila ng kapatid niya, kaya nagtanong agad siya kung saan nabibili ang PEP.ph.

Continue reading below ↓

Obviously, nasa lahi nina Ai-Ai ang husay sa pagpapatawa dahil komedyante rin ang kanyang kapatid.

Tuwang-tuwa si Joan nang bigyan siya ng cameo role ng direktor na si Dado Lumibao sa Sons of Nanay Sabel.

Yun nga lang, parang hindi na masusundan ang paglabas ni Joan sa pelikula dahil napagod siya sa paulit-ulit na take.

Natagalan ang paglabas ni Joan sa pelikula dahil sa trauma na naranasan niya nang masigawan siya ng pumanaw na direktor na si Wenn Deramas sa set ng Kapag Tumibok ang Puso, ang 2006 comedy movie nina Ai-Ai at Bong Revilla, Jr.

Extra si Joan sa isang eksena, pero nasigawan siya ni Wenn dahil hindi niya sinunod ang mga instruction sa kanya.

Sa pitong magkakapatid, sina Ai-Ai at Joan ang malapit sa isa’t isa dahil sila ang magkasunod. Apat na taon ang agwat ng edad ng dalawa.

Pang-Magpakailanman ang kuwento ng buhay nila dahil matagal silang nagkahiwalay nang ipamigay si Ai-Ai ng kanilang ama sa kapatid nitong matandang dalaga.

Continue reading below ↓

In fact, nag-breakdown si Ai-Ai nang mapag-usapan sa pocket presscon ng Sons of Nanay Sabel kahapon, May 2, ang kanilang biological mother.

Dumanas ng depression ang ina ni Ai-Ai nang ibigay ng kanyang asawa sa kapatid nito ang kanilang bunsong anak na babae.

Lumuluhang kuwento ni Ai-Ai, "Sa tuwing nagkikita kami, umiiyak siya at nagso-sorry dahil ipinamigay niya ako.

Continue reading below ↓

"Ang sabi ko naman sa kanya, baka hindi ako naging artista kung hindi siya pumayag sa kagustuhan ng tatay ko."

Hanggang bawian ng buhay, pinagsisihan ng ina ni Ai-Ai ang pagpayag na ipamigay ang anak niya.

Lumabas si Joan sa kuwarto nang mag-breakdown si Ai-Ai dahil ayaw niyang makitang umiiyak ang kanyang kapatid.

Sigurado raw na iiyak din siya dahil sa matinding pangungulila sa kanilang ina na pumanaw noong December 2013.

Kahit matagal na nagkahiwalay, mahal na mahal nina Ai-Ai at Joan ang isa’t isa kaya ni minsan, hindi sila nag-away o nagkaroon ng mga pagtatalo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results