Dating na-link na sina Jerome Ponce at Jane Oineza, balik-tambalan sa pelikula

by Jojo Gabinete
May 3, 2019
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

Sina Jerome Ponce at Jane Oineza ang lead stars ng Finding You, ang romantic drama movie ng Regal Entertainment, Inc. na may playdate sa mga sinehan sa May 29.

Four years ago, na-link ang dalawa sa isa’t isa dahil sa tambalan nila sa drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ng ABS-CBN.

Inaasahang mauungkat uli ang estado ng relasyon nina Jerome at Jane dahil sa dalawang pelikulang ginawa nila sa Regal—ang Finding You at Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Continue reading below ↓

Isang malapit kay Jerome ang nakausap ng Cabinet Files, pero clueless siya kung nagkaroon noon ng brief relationship ang aktor at si Jane.

Narinig daw niyang walang boyfriend ngayon si Jane, samantalang going strong ang relasyon ni Jerome sa volleyball player na si Mika Reyes.

Noong 2015, si Jerome ang single at si Jane ang may boyfriend—ang basketball player na si Jeron Teng—pero humantong rin ito sa hiwalayan.

Dahil hindi siya privy sa tunay na estado ng friendship nina Jerome at Jane, ikinuwento na lang ng kausap ng Cabinet Files na nakabili na ang aktor ng bahay sa Antipolo City na nagkakahalaga umano ng sampung milyong piso.

“Marunong humawak at masinop sa pera si Jerome kaya cash na P10 million ang ibinayad niya sa kanyang bahay at nakabili na rin siya ng bagong sasakyan.

“Kasama na rin ni Jerome sa bahay niya ang kanyang ina at mga kapatid," pagmamalaki ng Cabinet Files source tungkol sa husay ni Jerome sa paghawak ng pera at sa mga ari-ariang naipundar ng aktor.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results