Bagong Miss USA, isang lawyer; Bb. Pilipinas 2019 candidate, pasado sa bar exam

by Jojo Gabinete
May 4, 2019
PHOTO/S: Instagram

A tale of two lawyers....

Si Miss North Carolina Cheslie Kryst ang kinoronahang Miss USA 2019 sa pageant night na ginanap noong Huwebes ng gabi, May 2, sa Grand Sierra Resort, Reno, Nevada.

Isang full-time lawyer ang newly-crowned 28-year-old beauty na official representative ng USA sa 68th Miss Universe na idaraos sa December 2019.

Ang controversial outgoing Miss USA na si Sarah Rose Summers ang nagputong kay Kryst ng korona, at ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray ng Pilipinas ang naglagay sa kanya ng sash.

Nagtapos si Kryst ng Master of Business Administration with Juris Doctor sa Wake Forest University School of Law noong 2017.

Nagtrabaho siya bilang lawyer sa Poyner Spruill LLP matapos tanggapin sa North Carolina State Bar.

Si Kryst ang dalawa sa mga pinakamatandang contestant sa Miss USA 2019, dahil 28 years old din si Miss Massachusetts Kelly O’Grady.

BB. PILIPINAS CANDIDATE

Sa Pilipinas, kabilang ang 24-year-old aspiring beauty queen na si Bea Patricia Magtanong ng Bataan sa 1,800 successful bar exams passers.

Continue reading below ↓

Inilabas ng Supreme Court ang resulta ng mga pumasa sa bar exams nitong Biyernes, May 3, habang nagaganap ang Miss USA 2019.

Graduate si Bea ng University of the Philippines at ang pagpasa niya sa 2018 Bar Examinations ang dahilan kaya napansin siya ng publiko.

Dahil beauty and brains, malaki ang tsansa ni Bea na magkaroon ng beauty title sa 56th edition ng Binibining Pilipinas na magaganap sa June 9, 2019 sa Smart Araneta Coliseum.

Kung papalarin si Bea na mapanalunan ang Miss Universe Philippines 2019 crown, ang kanyang kapwa lawyer na si Cheslie ng USA ang mahigpit na makakalaban niya sa 58th Miss Universe.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results