Simula sa susunod na buwan, mapapanood sa GMA News TV ang World Class Kababayan, ang bagong public service program ng former actress na si Marissa del Mar.
Naging maingay ang pangalan ni Marissa noong late ‘70s at early ‘80s dahil sa mga local at international movie na kanyang ginawa.
Kahit active noon si Marissa sa showbiz, nagawa niyang tapusin ang kanyang Business Management course sa Adamson University.
Makulay ang buhay ni Marissa dahil sa mga pinagdaanan niyang pagsubok, tulad ng death threats na natanggap niya noong naghanap siya ng hustisya para sa kanyang kapatid na pinaslang.
Nang maging established businesswoman si Marissa, nag-produce siya ng sariling talk show, ang Up Close and Personal with Marissa del Mar na nasundan ng public service programs na Iyo ang Katarungan, Buhay OFW at ngayon, ang World Class Kababayan.
“We would like to show the world na ang mga Pinoys all over the world, they’re bringing pride to our country.
“World-class kababayan sila. They’re so very successful, patient hardworking, strong-willed.
“Sila yung mga determined na maging successful para sa family nila.
“Sabi nila, we are the bagong bayani, kami ang mga modern heroes, but they’re not treated well and that’s the reason why we launched the Anti-Trafficking OFW movement with President Rodrigo Duterte and the biggest organizations of the land, para tumulong sa ating anti-trafficking advocacy.
“World Class Kababayan will be the medium para malaman ng ating mga kababayan na marami ang mga nagmamahal sa kanila...
“Na nandito lang ang World Class Kababayan para umagapay sa kanila at puwede nila kaming takbuhan.
“We are connecting with different government agencies like DILG and DOLE para mas mabilis kaming makatulong sa ating mga kababayan,” paliwanag ni Marissa tungkol sa bagong programa niya sa GMA News TV.
Year 1988 nang talikuran ni Marissa ang showbiz dahil nagbuntis siya sa kanyang panganay na anak, pero walang pagsisisi ang dating aktres na may fulfillment na nararamdaman dahil sa maraming Pilipinong natutulungan ng mga programa niya.
“No regrets na mula sa pagiging artista, naging public service host ako.
“Sabi ko nga, I cannot do so much pero marami ang tumutulong, marami pa rin akong nagagawa in my own small way, and it’s given back to me a thousandfold although hindi mo naman ine-expect.
“Talagang dumarating, siksik, liglig and I cannot ask for more.
“God is good, God is so great.
“With all the trials, masasabi ko pa rin na blessed pa rin tayo and I’d love to do things for our kababayans,” ang pahayag ni Marissa.
Postscript: Noong May 1, 2019 ang taping ng pilot episode ng World Class Kababayan at sina Diana Zubiri, Rayver Cruz at ang international fashion designer na si Rocky Gathercole ang mga special guest ni Marissa.