Ano ang tunay na ikinamatay ni Julie Vega?


Kahit 34 years na ang nakalilipas, ginugunita pa rin ng loyal fans ni Julie Vega ang death anniversary niya ngayong araw, May 6.

Isinilang si Julie Vega noong May 21, 1968.

Binawian siya ng buhay sa Quezon Institute, E. Rodriguez Sr., Avenue, ilang araw bago sumapit ang kanyang 17th birthday noong 1985.

National news ang pagpanaw ni Julie Vega dahil kasikatan niya noon bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sensationalized at ilang linggong headline ng mga tabloid ang kanyang pagkamatay dahil sa mga haka-hakang biktima siya ng kulam at sinapian ng masamang espiritu.

Ang Lovingly Yours Helen, The Movie (1984) ang huling pelikula ni Julie, at demon-possessed ang role niya sa "Akin Ang Walang Diyos" episode ng pelikula.

Mula nang gampanan ni Julie ang karakter sa Lovingly Yours Helen, The Movie, nag-umpisa na ang pagkakasakit niya kaya umiral ang wild imagination ng mga taong naniniwala sa kulam na totoong sumapi sa kanya ang masamang espiritu.

Ang Guillain-Barre syndrome—hindi kulam o sinapian ng masamang espiritu—ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Julie.

Pero noong 1985, kulang ang kaalaman at impormasyon ng mga Pilipino tungkol sa nabanggit na karamdaman.

Ayon sa Mayo Clinic website, isang rare disorder ang Guillain-Barre syndrome dahil inaatake ng sariling immune system ang mga ugat o nerves sa katawan.

Panghihina at pagiging paralisado ng buong katawan ang ilan sa mga sintomas ng Guillain-Barre syndrome na naranasan ni Julie bago ito na-confine sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang mamatay si Julie, pneumonia at hindi Guillain-Barre syndrome ang report na inilabas noon ng mga diyaryo.

Ibinurol si Julie sa Mount Carmel Church sa New Manila, Quezon City, at saksi kami sa libu-libong bilang ng mga tao na nakiramay at nakiusyoso.

Nang dalhin ang bangkay ni Julie sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, isinakay sa truck na napapaligiran ng mga bulaklak ang kanyang kabaong dahil sa dami ng mga nakipaglibing at sa mga tao sa kalsada na nag-abang sa pagdaan ng funeral procession.

Postscript: Sa Pilipinas, si Kim Atienza ang mukha ng Guillain-Barre syndrome dahil ito ang kanyang karamdaman na dahilan ng confinement niya sa ospital noong 2013.

Nakatulong ang early detection kaya naagapan ang sakit ni Kim.

Ang resemblance naman kay Julie Vega ni Amery San Jose ang naging daan para magkaroon ito ng showbiz career.

Na-discover si Amery nang magpunta ito sa burol ni Julie sa Mount Carmel Church, pero mas nakilala siyang Roselle Agana, ang erstwhile contract star ng Seiko Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Seiko Films producer na si Robbie Tan ang nag-repackage kay Amery bilang sexy star at nagbigay sa kanya ng screen name na Roselle Agana.

Wala nang balita tungkol kay Roselle mula nang gawin niya noong 1991 sa Seiko Films ang kanyang huling pelikula, ang Lintik Lang ang Walang Ganti.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN