Mar at Korina, nagkuwento tungkol sa surrogate mother nina Pepe at Pilar

by Jojo Gabinete
May 6, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang kumpletong pangalan ng kambal na anak nila ni Korina Sanchez ang isa sa itinanong ng Cabinet Files kay former Senator Mar Roxas nang makausap namin ang mag-asawa sa kanilang tahanan sa Cubao, Quezon City, ngayong Lunes ng hapon, May 6.

"Pepe Ramon Gerardo Denzel" ang full name ni Pepe at "Pilar Judy Celia Korina" si Pilar.

Continue reading below ↓

Kinuha ang pangalan ng kambal mula sa pangalan ng mga magulang nina Mar at Korina.

Ramon ang pangalan ng ama ni Korina, at Gerardo ang pangalan ng tatay ni Mar.

Judy ang pangalan ng nanay ni Mar, at Celia ang pangalan ng ina ni Korina.

Nang makita ni Mar na may space pa sa birth documents ni Pepe, isiningit niya ang "Denzel" mula sa pangalan ng favorite actor na si Denzel Washington.

Lingid sa kaalaman ni Mar, idinagdag naman ni Korina ang pangalan nito sa full name ni Pilar.

THE SURROGATE MOTHER

Naging generous si Mar sa pagkukuwento tungkol sa American surrogate mother ng mga anak nila ni Korina.

Pero hindi siya masyadong nagbigay ng detalye bilang proteksiyon sa privacy ng "carrier" nina Pepe at Pilar.

Lahad ni Mar, "I’m very thankful for her, she’s a single parent and high school lang ang tinapos.

"Kami ang pumili sa kanya, pero nagustuhan ko siya because nagsimula siyang barista sa Starbucks.

Continue reading below ↓

"Itinaguyod niya yung anak niya, single parent siya. Iniwanan siya ng boyfriend niya.

"I don’t wanna give too much details because of her privacy."

Patuloy ng senatorial candidate, "Sa kanyang kasipagan, pagtatrabaho, naging area manager siya ng Starbucks.

"So, tinanong ko siya, 'Bakit mo naiisip gawin ito?'

"Sabi niya, ‘Alam mo, hindi ko mapo-provide yung anak ko ng full education, yung gusto kong mangyari sa kanya na hindi ko naranasan.’

"Maganda ang motibasyon nito. Hindi luho, she wants to provide for her daughter.

"So, naisip ko, agree si Korina, that will make sure that she will take care [of the babies] dahil yun ang motibasyon niya."

IN TOUCH WITH THE SURROGATE MOTHER

"In touch" sina Korina at Mar sa surrogate mother nina Pepe at Pilar, pero may limitasyon para maiwasan ang pagkakaroon ng emotional attachment.

Saad ni Mar, "Yeah, we are in touch with her, but para hindi magkaroon ng emotional attachment, parang limitado.

Continue reading below ↓

"Sinabi namin sa kanya na, 'We welcome you, but we understand, kung mag-text ka, sasagot kami.'

"Pero kung hindi, hindi kami magpapadala ng pictures o ng kung anu-ano para hindi rin siya mahirapan.

Unang nakausap nina Mar at Korina ang surrogate mother sa pamamagitan ng Skype, at pinuntahan nila ito sa Amerika para makilala nang personal.

Hindi naging madali ang proseso ng pagbubuntis kina Pepe at Pilar dahil nasangkot sa isang car accident ang surrogate mother nila, na ikinabahala nang husto nina Mar at Korina.

Kuwento ni Mar, "Yung nagdadala ng babies, binibisita namin siya.

"Before Christmas, naaksidente siya. Tinamaan ng isang drunk driver, buti na lang sa tabi.

"Siya ang nagmamaneho, buti na lang, hindi nag-deploy yung airbag.

"Tinawagan niya kami, everything’s okay. Pinuntahan namin siya sa emergency room.

"Just the worry every day, kasi parang ito na ang last chance namin. This is it, ito na talaga.

Continue reading below ↓

"We’re just hoping… hoping…."

Nagugulat si Mar dahil sa social media popularity nina Pepe at Pilar.

"Nagugulat ako, pero parang tanggap namin ni Korina, that’s part of the grace.

"Maraming nangangamusta sa kanila, marami ang nagke-care sa kanila.

"So, parang kasama na yun sa grasya, sa blessing, and nagpapasalamat kami.

"Akala namin, hindi na darating ito."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results