Ai-Ai delas Alas, gustong tanungin kay Pangulong Duterte ang mga artistang kasali sa drug list

IMAGE Noel Orsal


Kabilang si Ai-Ai delas Alas sa mga artistang imbitado sa appreciation dinner na ginanap sa Malacañang Palace kagabi, May 7.

Pero hindi siya nagtagal dahil binalikan niya ang kanyang taping para sa Mother’s Day presentation ng Magkailanman ng GMA-7.

Kuwento ni Ai-Ai, "Dumating ako ng 6:30 P.M. pero umalis ako bago mag-9 P.M. dahil kailangan na ako set ng Magpakailanman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinintay ko lang na matapos ang speech ni President Rodrigo Duterte, na pinasalamatan ang lahat ng mga artistang sumuporta sa kanya sa presidential election noong May 2016.

"Mula kasi nang manalo siya, hindi pa pala niya napapasalamatan ang mga artista na sinuportahan ang presidential candidacy niya.

"Nanghihinayang ako dahil hindi ako nakapagpa-picture na kasama si President Duterte dahil bawal ang mga cell phone.

"Hindi rin ako kumain dahil organic foods ang kinakain ko.

"Nakakahiya naman na magbaon ako ng sariling pagkain, e, kung bawal ang pagdadala ng mga cell phone, ang pagkain pa kaya"

Dugtong niya, "Nanghihinayang din ako dahil hindi ko naimbitahan si President Duterte na panoorin ang Sons of Nanay Sabel.

"Nalimutan ko rin na itanong ang pangalan ng mga artista na kasali sa drug list.

"Tensed na tensed kasi ako dahil kailangan ko nang bumalik sa Magpakailanman.

"Sandali lang ang paaalam ko sa kanila."

Kabilang si John Lloyd Cruz sa mga invited star sa appreciation dinner, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasama ni John Lloyd si Ellen Adarna. Hindi kami nagkausap dahil magkaiba ang table namin.

"Baka hindi rin niya ako napansin dahil buong gabi, may suot siyang dark shades," sagot ni Ai-Ai nang itanong ng Cabinet Files kung nagkaroon siya ng pagkakataong makakuwentuhan ang aktor na on leave sa showbiz.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN