Pet dogs nina Korina at Mar, alkaline water ang iniinom; aso ni Jolina, nagpakamatay

by Jojo Gabinete
May 9, 2019
PHOTO/S: Instagram

Bago pa dumating sa buhay nina Mar Roxas at Korina Sanchez ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar, ang pet dogs na sina Princess at Trina (Aspins), Chelsea at Buddy (Schauzers), Burger (Pomeranian), Alex (Chihuahua), Cocoa (Labrador), at si Kolette ang mga anak-anakan nila.

Nang bumisita kami sa tahanan ng Roxas couple noong May 6, ang alkaline water na ipinaiinom nila sa kanilang mga aso ang aming napansin.

Maraming benepisyo sa kalusugan ng mga tao ang alkaline water dahil bukod sa nakatutulong sa weight control, ibinabalik nito ang pH balance sa pamamagitan ng pagbabawas ng acidity levels sa katawan.

Itinuturing ding antioxidant, super-hydrating, cleansing, energizing, oxygen rich, nag-aalis ng pesticides, mineral- at oxygen-rich ang alkaline water na iniinom ng mga aso nina Mar at Korina.

Noong hindi pa isinisilang sina Pepe at Pilar, ikinuwento ni Korina na ang pet dogs ang kanilang mga kasama sa pagtulog.

"For six or seven years now, baluktot talaga ako sa kama.

Continue reading below ↓

"Now, you know what, the twins are in their nursery, the dogs would still stay in the bedroom.

"You know why? Because many people have told me na kapag yung mga dog, hindi puwedeng biglang pumasok sa room because of the babies, namamatay sila… dinidibdib nila"

ASO NI KORINA, NAGPAKAMATAY

Ibinahagi ni Korina ang nangyari sa aso ni Jolina Magdangal na nagpakamatay,

"Jolina Magdangal was crying to me.

"Sabi niya, 'Korina, nung dumating yung baby ko, yung Pomeranian ko, nagpatiwakal, as in, he stopped eating.'

"And the next thing she know, isinabit niya [the dog] ang leeg niya sa cage niya kaya these dogs [Korina’s dogs], I give them extra attention and even at night, I talk to them," anecdote ni Korina.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results