Mark Maglasang, aka Bosx1ne, kumalas na sa Ex Battalion

by Jojo Gabinete
May 8, 2019
PHOTO/S: Instagram

Personal na problema na kailangang ayusin ang dahilan ng biglaan na pagpapaalam ni Mark Maglasang aka Bosx1ne, ang founder ng Ex Battalion.

Si Mark ang isa sa mga talented member ng sikat na grupo dahil bukod sa magaling na rapper, mahusay siyang songwriter at composer.

Ikinagulat ng mga kasamahan ni Mark ang desisyon nitong tumiwalag sa grupo, pero umaasa silang magbabago ang isip niya kapag nalutas at naayos na ang kanyang mga personal na problema.

Continue reading below ↓

Tiyak na ikalulungkot ng avid fans ng Ex Battalion ang pagkalas ni Mark, na hindi tinupad ang salitang binitiwan noon na kahit ano ang mangyari, hindi magkakawatak-watak ang kanilang grupo dahil masyado nang malalim ang pinagsamahan nila.

Kahapon, May 8, ang unang araw sa mga sinehan ng Sons of Nanay Sabel, ang unang pelikula ng Ex Battalion, kasama ang kanilang manager na si Ai-Ai delas Alas.

Hindi dapat palampasin ng Ex Battalion fans ang pelikula ng popular Filipino hip-hop group dahil posibleng ito na rin ang una at huling beses na pagsasama nila sa pelikula.

"Sama-Sama" ang pamagat ng original soundtrack ng Sons of Nanay Sabel.

Tungkol sa samahan na walang iwanan ang lyrics ng kanta na sadly, hindi naisabuhay ni Mark.

Postscript: May show kagabi sa Cotabato City ang Ex Battalion at si Mark ang contact person.

Pero hindi na ito sumipot, isang matibay na palatandaang seryoso ang pasya niya na iwanan ang grupo nila.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results