Hero Bautista, gagawa ng Mang Kanor series

by Jojo Gabinete
May 9, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Mang Kanor ang moniker o tawag sa mga matatandang lalaking nasangkot sa sex video scandal.

Naging bukambibig ang pangalan na Mang Kanor nang maging viral ang video ng isang lalaking matandang nakikipagtalik sa batambata na babae, ilang taon na ang nakalilipas.

Hindi nakilala ang identity ng lalaki kaya binansagan na lamang siya na Mang Kanor.

Mula noon, Mang Kanor na ang tawag ng naughty Filipinos sa mga may edad na lalaking may mga video scandal.

Sa mga showbiz personality, si Jim Paredes ang tinawag na Mang Kanor dahil sa video scandal niya na lumitaw noong April Fools Day.

Ngayong 2019, magkakaroon na ng mukha si Mang Kanor dahil sa "series" na gagawin ni Hero Bautista, ang younger brother ni outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Continue reading below ↓

Ang popularity ni Mang Kanor sa mga Pilipino ang nagbigay kay Hero ng idea para gumawa ng series at gampanan ang karakter ni Mang Kanor.

"Baka tirahin namin yung series entitled Mang Kanor. Gagawin namin na parang ganoon ang tema.

"Pero hindi siya chickboy, lapitin lang siya.

"Ako si Mang Kanor, pero masseur ako. Parang si Deuce Bigalow ako," paliwanag ni Hero tungkol sa karakter ni Mang Kanor na bibigyang-buhay niya.

Ang Deuce Bigalow ang 1999 sex comedy film ni Rob Schneider, ang Hollywood actor na may Filipino blood.

Balak ni Hero umpisahan ang Mang Kanor kapag natapos na ang shooting niya para sa Fusion, ang comedy movie nila nina Maria Ozawa at Daiana Menezes.

Plano ni Hero na ibenta sa Netflix ang Fusion, na nahinto ang filming nang magsimula ang pangangampanya niya bilang re-electionist councilor sa 4th District ng Quezon City.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results