Anne Curtis, nakakuha ng double nominations sa Urian Awards

IMAGE Viva Films

Anne Curtis vs Anne Curtis.

Overwhelmed si Anne Curtis dahil sa double nominations niya sa kategorya ng pinakamahusay na aktres sa 42nd Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Gaganapin ang awards night sa June 18, 2019 sa UPFI Film Center.

Nominado si Anne para sa BuyBust at Sid & Aya: Not A Love Story, na parehong produksiyon ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Anne dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng nominasyon sa Gawad Urian, pero dalawa agad kaya malaking karangalan ito para sa kanya.

Nakadagdag sa kaligayahan ni Anne ang pagkukumpara sa kanya sa 2016 Cannes best actress na si Jaclyn Jose.

Sa kasaysayan ng Gawad Urian, tanging sina Anne at Jaclyn ang mga aktres na nagkaroon ng double nominations para sa kategorya ng pinakamahusay na aktres.

Best actress nominee si Jaclyn sa 11th Gawad Urian noong 1986 para sa Private Show at Takaw Tukso.

Nanalo si Jaclyn na pinakamahusay na aktres sa Takaw Tukso pero tie sila ni Pilar Pilapil, ang lead actress ng Napakasakit, Kuya Eddie.

Ang BuyBust naman ang unang action movie na ginawa ni Anne na binigyan ng mga miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng sampung nominasyon, kabilang ang best actress, best picture, at best director.

Ka-level ni Anne ang veteran actor na si Eddie Garcia na may double nomination sa best actor category ng 42nd Gawad Urian para sa pagganap niya sa ML at Hintayan ng Langit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN