Harlene Bautista, di kinonsulta ang mga anak sa hiwalayan nila ni Romnick Sarmenta

IMAGE Jerry Olea

Si Harlene Bautista ang bunso at nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid kaya siya ang pinakamalapit sa kanyang ina na si Mrs. Baby Bautista, na sumakabilang-buhay noong March 5, 2008.

Missed na missed na ni Harlene ang nanay niya na napag-usapan dahil bukas, May 12, ang Araw ng mga Ina.

"Nami-miss ko si Mommy, lalo na sa mga ganoong panahon," pagtukoy ni Harlene sa pakikipaghiwalay niya sa mister na si Romnick Sarmenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko ng kausap, karamay. Yung hindi ka huhusgahan.

"Yayakapin ka lang, hahayaan ka lang umiyak.

"Close kami, mukha lang hindi,."

Bilang isang ina naman, inamin ni Harlene na nagkamali siya dahil hindi niya kinonsulta ang kanyang mga anak nang magdesisyon siyang hiwalayan si Romnick.

"I guess, yun ang pagkakamali ko, kasi si Romnick ang kinakausap ko talaga.

"Dapat kinonsulta ko rin sila. Yun ang pinagsisisihan ko talaga.

"Sana, nalaman lahat nila mula umpisa. Sana, hindi…

"Kasi pinu-protect ko rin sila. Iisipin nila na, 'Anong nangyayari sa mga magulang namin?' Pero yun ang nangyari.

"Dapat, yun ang lesson para sa iba na kung merong problema, be open to the children, kahit ano pa ‘yan.

"Pinrotektahan kasi namin sila [laban] sa mga problema.

"Ang akala nila, 'Okey naman kami. Perfect naman yung relationship nila.'

"Never kasi kaming nagsigawan, nag-away, nagmurahan, nagsakitan, hindi nambabae, hindi nanlalaki.

"Okey naman kung titingnan niyo," saad ni Harlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang maunawaan ng limang anak nila ni Romnick ang tunay na sitwasyon kapag nag-mature na sila ang Mother’s Day wish ni Harlene.

"Hangga’t hindi natutupad yun, that would be my yearly wish for Mother’s Day," umaasang pahayag ni Harlene.

Hindi rin ipinipilit ni Harlene na tanggapin agad ng kanyang mga anak ang bagong karelasyon niya.

"Hindi ko ipinu-push, kasi siyempre, hindi ko alam ang kabuuan ng pinagdaraanan nila.

"May pinagdaraanan ako, meron din sila siyempre, at kino-consider ko yun.Nirerespeto ko yun."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN