Lily role ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano, inspired kay Janet Napoles?


Ang doble-kara character ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano ang isa sa mga napag-usapan nang ipakilala siya ngayong hapon, May 11, bilang ambassador ng Iconic Beaute ng Beautederm, ang beauty company na pag-aari ng successful businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan.

Ikinuwento ni Lorna na mapapanood sa Ang Probinsyano hanggang sa September 2019 ang kanyang intriguing character na si Lily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi niyang inspired ng katauhan ni Janet Napoles, ang businesswoman na sangkot sa PDAF controversy, ang karakter niya bilang Lily.

"Palagay ko, hindi lang naman siya ang pinagkunan, marami talaga. Maraming involved para mabuo si Lily, hindi lang isang tao.

"Marami siyang mukha, iba-iba siya. Hindi mo na talaga siya maintindihan.

"Marami na nga ang gustong pumatay kay Lily.

"Marami naman na parang tulad niya na hindi mo malaman kung kakampi mo ba o kalaban.

"Actually, ang itinatawag sa akin, Lily kaya medyo tinanggal ko muna yung bangs ko ngayon," paliwanag ni Lorna tungkol sa kanyang doble-kara character sa Ang Probinsyano.

Sa showbiz ba, marami ka nang na-encounter na gaya ni Lily? 

"Hay naku, hindi ko alam sa showbiz kung meron. Ang sinasabi ko, more of sa pulitika," sagot ni Lorna.

Ipinagdiriwang ni Lorna ngayong 2019 ang 50th anniversary niya sa entertainment industry na naging mabuti sa kanya.

"Yun naman ang totoo. Siguro kapag mahal mo naman yung propesyon mo, mamahalin ka rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganoon talaga, kung ano ang ibinigay mo, babalik din."

Postscript: Para kay Beautederm owner Rhea Anicoche-Tan, fitting tribute kay Lorna at sa 50th showbiz anniversary nito ang pagiging Iconic Beaute.

Pahayag niya, "Ate LT is one of my dearest friends and I am very humbled to welcome her to the family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She is a remarkable human being and her beauty is striking as ever.

"A lot of people, including myself, are huge fans of her body of work as an actress as well as her legendary beauty.

"Ate LT is definitely a major asset to Beautederm Corporation and we are elated to have her onboard."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN