'Spiderman' streaker sa PBA na sinapak ni Tubid, pinayuhang magdemanda

by Jojo Gabinete
May 11, 2019
PHOTO/S: Jerome Ascano / SPIN.ph

“I’m ok mga tsong. Heroes never fail.”

Ito ang mensaheng ipinarating ni Paolo Felizarta, aka "Spiderman," sa mga kaibigan at kakilala niyang labis na nag-aalala sa kanyang kalagayan.

Ang idemanda ang mga nanakit sa kanya ang payo kay Felizarta ng concerned friends and relatives.

Continue reading below ↓

May mga video kasing malinaw na ebidensiyang sinaktan siya ng San Miguel veteran player na si Ronald Tubid at ng security personnel na dumakip sa kanya sa insidente na nangyari sa PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum kagabi, May 10.

Mapapanood sa mga kumakalat na video ang overacting na pagdakip at pananakit kay Felizarte.

Si Felizarte ang streaker na nakasuot ng Spiderman costume, nagtatakbo sa basketball court habang may hawak na papel na may nakasulat na "Vote. Love. Love PBA. Love Philippines."

Continue reading below ↓

Hindi sinasadyang nakabanggaan niya ang San Miguel player na si June Mar Fajardo na naging dahilan para bumagsak at masaktan ang PBA superstar.

Kahit paulit-ulit ang paliwanag ni Felizarta na wala itong intensiyong manakit, tumutulong siya sa charity at hindi niya napansin si Fajardo dahil sa suot na maskara, sinapak pa rin siya ni Tubid at marahas ang pagdakip sa kanya ng security personnel ng PBA.

Humingi na ng paumanhin si Tubid, na inamin ang pagkakamali dahil nagdilim umano ang kanyang paningin at ipinagtanggol lamang niya si Fajardo.

Nakadagdag din sa galit ni Tubid ang pagkatalo ng team nila na isinisisi niya kay Felizarta.

Sa kabila ng pagpapakumbaba at pag-amin sa kanyang kasalanan, negatibo ang karamihan sa reaksiyon ng publiko sa paliwanag ni Tubid, na biktima ngayon ng matitindi na bashing.

Sa mga hindi nakakaalam, si Tubid ang pinili ni Fr. Catalino Arevalo noong 1998 para maging modelo ng Filipino saint na si Pedro Calungsod.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil wala nang mahanap na larawan ng pangalawang Pilipino na idineklarang santo sa Vatican City, Rome, noong October 21, 2012.

Pinatotohanan naman ng mga kaibigan ni Felizarta na mabuting tao ito at totoong tumutulong sa mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

Ito ang pagtatanggol ni Jambo Medina, isa sa mga kaibigan ni Felizarta na nakikisimpatiya sa kanya:

"Kaibigan ko yun si Spiderman na nakita n’yo sa PBA. Alam ko nagkamali siya, maling timing (di naman nagba-basketball ‘yan).

"Hindi niya alam na importante yung game and, yes, pasaway talaga, pero maniwala kayo sa hindi, may ginintuang puso ‘yang taong ‘yan.

"Napaka-generous niyan (may charity talaga siya) at kahit birthday ng anak ko o birthday ng kahit sino, kapag available siya, pupunta siya.

"Alam ko maraming nadismaya sa nangyari pero sana mapatawad n’yo siya. Mahirap ipaliwanag kung bakit niya ‘yon nagawa pero sino ba tayo para i-judge ang isang tao?

"Kung perpekto ka, feel free to bash this post,I will not say a word. I’m just saying that this dude just made a bad decision at a bad time."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerome Ascano / SPIN.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results