Ai-Ai delas Alas, umiyak dahil sa sama ng loob sa Ex Battalion

by Jojo Gabinete
May 16, 2019
Ai-Ai delas Alas: "Anong karapatan nila na paiyakin ako dahil sa mga kahihiyan na inaabot ko sa mga kausap ko?"
PHOTO/S: Noel Orsal

May domino effect ang desisyon ni Ai-Ai delas Alas na bitawan ang pamamahala sa career ng Ex Battalion dahil sa pagiging pasaway at unprofessionalism ng grupo.

Mula nang ibulgar ni Ai-Ai ang hindi pagsipot ng Ex Battalion sa mga tinanggap na commitment, pagpapadagdag ng bayad sa talent fee, at pagtanggap ng mga show na lingid sa kaalaman niya, sunud-sunod nang nagkakansela ngayon ng kontrata ang mga concert producer na kumuha sa serbisyo ng popular hip-hop group.

Hinihiling ng producers na ibalik ang downpayment na ibinigay nila dahil sa pangambang baka hindi rin siputin ng Ex Battalion ang kanilang mga show, tulad ng ginawa ng grupo sa ibang show promoters at sa miting de avance noong nakaraang Sabado, May 11, ng senatorial candidate na si Bong Go.

Nangako si Ai-Ai na hindi siya iiyak nang isiwalat niya kahapon, May 15, ang mga problemang ibinigay ng Ex Battalion sa kanya at sa ibang mga show promoter.

Continue reading below ↓

Pero dahil sa sobrang sama ng loob, bumagsak ang luha ng Comedy Queen.

Lahad niya, "Modesty aside, thirty years na ako sa business na palagi kong sinasabi sa kanila na maging professional sila.

"Pero nao-offend sila kapag sinasabi ko yun.

"Bakit ko sinasabi yun? Kasi alam ko na yung in and out sa industry. Yung mali, yung tama.

"Makikinig na lang sila sa akin, hindi pa nila ginagawa.

"Wala silang ginawa kundi i-stress-in ako, sagot-sagutin ako.

"Yung road manager nila, inaatake na dahil sa pagsagot-sagot nila. Nakakaawa rin yung mga road manager nila."

Umiiyak pang sabi ni Ai-Ai, "Hindi ako pinapaiyak ng mga anak ko, hindi ako pinapaiyak ni Gerald [her husband].

"Anong karapatan nila na paiyakin ako dahil sa mga kahihiyan na inaabot ko sa mga kausap ko?

"Lumapit sila sa akin para tulungan ko sila. Tinulungan ko sila 'tapos parang hindi nila na-appreciate at saka wala silang respeto sa akin."

Continue reading below ↓

IS THIS THE END FOR EX BATTALION?

Ikinabigla naman ng Ex Battalion ang pasya ni Ai-Ai dahil hindi ipinaalam ng Comedy Queen sa kanila ang pasyang bitawan sila.

Nalaman lang nilang wala na silang manager dahil sa report na inilabas ng PEP.ph kahapon, May 15.

A dose of their own medicine ang naranasan ng Ex Battalion dahil tumatanggap sila ng mga show na hindi alam ni Ai-Ai, pero ang Comedy Queen ang hinahabol ng concert producers kapag hindi nila sinisipot ang mga tinanggap na show.

Katapusan na ng career ng Ex Battalion ang verdict ng karamihan dahil sa kawalan ng respeto kay Ai-Ai, sa mga concert producer na binigyan nila ng problema, at mga tagahanga na kanilang pinaniwalang good role models sila.

Negative ang lahat ng mga komento tungkol sa unprofessionalism at mabilis na paglaki ng ulo ng mga miyembro ng Ex Battalion, isang palatandaan ng nalalapit na pagtatapos ng kanilang career.

Continue reading below ↓

BILLY CRAWFORD'S UNPLEASANT EXPERIENCE

Isa si Billy Crawford sa mga naging biktima ng unprofessionalism ng Ex Battalion member na si Daryl Ruiz, aka Skusta Clee.

Pumayag si Daryl na maging guest ni Billy sa show nito pero hindi siya sumipot.

Hiyang-hiya si Ai-Ai kay Billy na hindi na lamang kumibo dahil sa respeto sa kanya.

Kuwento ni Ai-Ai, "Si Billy, hindi na lang nagsalita siguro dahil sa akin.

"Sabi ko, 'Billy, sorry, pasensiya ka na talaga. Sobrang sorry, hindi dumating si Daryl kasi wala raw boses'

"Kung wala kang boses, e, di magpakita ka doon para malaman nila na wala ka talagang boses.

"Kung ano yung mga ginagawa niyo na ganyan, nagre-reflect sa akin.

"Baka akala nila, hindi ko kayo sinusuweto. Kung ano na lang ang gusto niyo, yun na lang ang nangyayari.

"Hindi puwede sa akin yun. Yung professionalism, number one ‘yan.

"Maraming magaling, alam ko magaling sila, pero hindi lahat tungkol sa galing ng isang tao.

Continue reading below ↓

"Maraming factor para tumagal ka sa industriyang ito.

"Kailangan magaling ka makisama, yun ang number one.

"Kailangan maayos ka na kausap, may integridad, masunurin.

"Maraming factor, hindi lang basta magaling ka.

"Maraming magaling ngayon, lalo na sa social media," paglalahad ni Ai-Ai tungkol sa pambibitin na ginawa ni Daryl kay Billy.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "Anong karapatan nila na paiyakin ako dahil sa mga kahihiyan na inaabot ko sa mga kausap ko?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results