Jerome Ponce, di natulungan sa kampanya ang amang si Jessie Delgado

by Jojo Gabinete
May 17, 2019
Jerome Ponce masama ang loob dahil hindi natulungan ang amang si Jessie Delgado sa kampanya nito bilang konsehal sa Maynila.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Kung hindi pa namin nakausap si Jerome Ponce sa presscon ng Finding You ng Regal Entertainment Inc., hindi namin malalamang kumandidatong konsehal ang kanyang ama, ang former actor na si Jessie Delgado (real name: Jessie Porciuncula) na lumabas sa mga action movie noong dekada ’90.

Unfortunately, hindi pinalad si Jessie na magwagi bilang konsehal ng 6th District ng City of Manila.

Nagkaroon naman si Jerome ng sama ng loob dahil hindi siya nakatulong sa kampanya ng tatay niya.

"Medyo sumama ang loob ko kasi hindi ako nakapagbigay ng time sa kanya para tulungan siya," sabi ni Jerome.

Ang busy schedule ang ibinigay na dahilan ng Kapamilya actor sa hindi niya pagsipot sa campaign rallies ni Jessie.

Nang sabihin naming imposibleng hindi nagtampo ang kanyang ama, sumagot si Jerome ng, "Hindi naman siguro masamang-masama ang loob niya.

"Pero katulad noong May 15, birthday niya, nag-sorry naman ako. In-explain ko sa kanya na fully-booked ako.

Continue reading below ↓

"Ako ang nag-set ng birthday party niya. In-explain ko sa kanya ang schedules ko.

"Lagi niya akong hinihikayat na mag-politics, pero sabi ko, ayoko.

"Ayokong magsarado ng pintuan, pero baka hindi pa ngayon."

Nang magsimula ang showbiz career ni Jerome noong 2012, nagkaroon sila ng tampuhan ni Jessie dahil sa desisyon niyang umalis sa tahanan nila at mamuhay nang solo.

"Okey na kami kasi, before, masama ang loob niya dahil umalis ako, iniwan ko siya.

"Personal issues ang dahilan ng pag-alis ko sa bahay, kung paano siya magpalakad sa bahay, sa pamilya.

"Matigas ang ulo ko, nagsarili ako."

Ano ang reaksiyon ni Jessie dahil nalampasan mo na ang mga achievement ng ama noong active pa ito sa showbiz?

"Hindi niya sinabi sa akin. Nakikita ko lang, masaya siya para sa akin," sagot ni Jerome.

Grateful si Jeome sa Regal Entertainment Inc. dahil sa mga movie project na ipinagkakatiwala sa kanya.

Ang Finding You, na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 29, ang pangatlong movie assignment ni Jerome sa Regal.

Continue reading below ↓

Susundan ito ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Nabanggit ni Jerome na may special participation sa Finding You si Jesus Porciuncula, ang kanyang aspiring actor younger brother na carbon copy niya ang hitsura.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerome Ponce masama ang loob dahil hindi natulungan ang amang si Jessie Delgado sa kampanya nito bilang konsehal sa Maynila.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results