JV Ejercito, sinagot ang patutsada ng half-brother na si Jinggoy Estrada

IMAGE Facebook / Instagra,


Kung ibabalik sa local television ang game show na Family Feud, ideal contestants ang Binay siblings na sina Makati City Mayor Abby Binay at Junjun Binay at ang half-brothers na sina Senator JV Ejercito at former Senator Jinggoy Estrada.

Ito ay dahil sa kanilang mga away na nag-ugat sa pulitika.

Nagkaroon ng mga haka-hakang lalong magiging matindi ang sibling rivalry nina JV at Jinggoy, mga anak nina dating Pangulo at outgoing Manila Mayor Joseph Estrada.

Pinaghihinalaan kasing nagpasaring si Jinggoy sa kanyang half-brother nang tanggapin nito kahapon ang pagkatalo sa senatorial race sa midterm elections noong May 13.

Pinatutsadahan ni Jinggoy si JV ang pagkakaintindi ng karamihan sa kanyang mensahe para kay Senator Nancy Binay na:

"Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap. Keep it up!

"You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang "The Good One" ang campaign slogan ni JV nang kumandidato itong senador.

Tinapatan ito ni Jinggoy ng "Iā€™m the better one" noong panahon ng kampanya.

Hindi pinalampas ni JV ang pangungutya sa kanya ni Jinggoy matapos lumabas ang Facebook post ng kapatid niya sa ama.

Sumagot siya ng: "And I am really the Good One."

Sinundan niya ito ng: "Bitter, not me. Its another person."

Sa panayam kay JV ng GMA News noong May 13, inamin niyang nakaapekto sa magkasabay na senatorial candidacy nila ni Jinggoy ang kanilang tsansang manalo.

Sinabi rin ni JV na baka-sakaling magkasundo sila ni Jinggoy kapag kapwa wala na sila sa pulitika.

Pero tila malabo itong mangyari sa lalong madaling panahon dahil sa patuloy na pagpapalitan nila ng maaanghang na salita.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN