Panahon pa ng Pusong Ligaw, ang 2017 afternoon drama series ng ABS-CBN, nang matanggap ni Raymond Bagatsing ang imbitasyon para sa audition ng Quezon’s Game, ang period movie tungkol sa hidden chapter ng buhay ni Philippine President Manuel L. Quezon, at kahit puyat na puyat sa taping, nagpunta siya sa opisina ng Kinetek Productions.
Kuwento ni Raymond, “6:00 a.m. na nang umaga kami umuwi mula sa taping ng Pusong Ligaw at 9:00 a.m. ang audition sa Kinetek Productions, so nagpunta ako.
“Pagdating ko doon, nakilala ko si Matthew Rosen [Quezon’s Game director] and his wife Lorena [producer of the movie].
“Matthew said, ‘Raymond, you’re a favorite actor of my wife.’
“I thought I already got the role, 'tapos sabi niya, ‘Are you ready to audition?’
“I was like, 'Huh?' My brain was not working, wala pa akong tulog.
“He gave me a really long script, a long speech. Wala pa ako sa sarili ko, wala pa akong tulog.
“Sabi ko, 'Of course, I’m here. I will do it.' I did the speech.
“I told Matthew, 'Can I read it without embellishing it?'
“Hindi ako maglalagay ng kung anong acting. Hindi ko aartehan ang karakter. Puwede ko bang basahin ko from the heart? Yung natural lang para lumabas yung totoo.
“So I did it with hardly American accent but it was heartfelt. Then Matthew said, ‘Can you add the Spanish accent?’
“I did it and everyone was clapping. I said, wow I did well and then Matthew said, ‘Okay, we will give you a call.’
Ang buong akala ni Raymond, hindi siya nakapasa sa audition, pero ipinagtataka niya ang pagpalakpak ng mga tao na nanood sa kanyang performance.
Dalawang buwan ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente na kinalimutan na ni Raymond hanggang muli itong makatanggap ng text message para sa final audition.
Pagpapatuloy niya, “Puyat na naman ako sa Pusong Ligaw. Sabi ko, final audition, mag-a-audition na naman ako?
“Ninerbyos na nga ako the last two months na hindi ko nakuha, but I was happy they called me back.”
Sinabi ni Raymond sa nagpadala ng text message na pupunta lamang siya sa audition kung maibibigay ang guarantee na kanya na ang pelikula.
Aniya, “I would like to go but puyat na puyat ako ngayon. Can you give me a guarantee na sa akin na yung role? Pupunta ako pero ibigay mo na lang sa akin yung film.
“Sabi niya, ‘Raymond, I’ll get back to you.’ Tinanong niya si Matthew and they said, ‘Raymond, 90% of the film is yours but you have to come in.’
“Nagpunta ako but this time, nagdala na ako ng all-white outfit, talagang kinarakter ko na siya. Inilagay ko na yung tindig niya, yung iba-ibang embellishment ng karakter.”
Nakuha ni Raymond ang President Manuel Quezon role at dahil sa kanyang mahusay na pagganap, nanalo siya ng Best Aactor award sa Cinema World Fest Awards sa Ottawa, Canada noong January 2019.
Tumanggap din ng parangal ang Quezon’s Game mula sa iba’t ibang international film festivals.
Sa recent special screening ng Quezon’s Game, napaluha ang audience dahil nagustuhan nila ang kuwento ng must-see movie na magbubukas sa mga sinehan sa May 29.
Isang eye-opener para sa mga Pilipino ang pagliligtas ni President Quezon sa Jewish refugees mula sa Germany at Austria na dumating sa Pilipinas noong 1938.