Winwyn Marquez, may pinagsisisihan ba nang dahil sa pag-ibig?

IMAGE Noel Orsal


May mga nagsasabing tama ang desisyon noon ni Winwyn Marquez na mag-back out sa Pamilya Roces dahil hindi ito nagtagal ng tatlong buwan sa telebisyon.

Ang Pamilya Roces ang drama-comedy primetime series ng GMA-7 na napanood mula October 8, 2018 hanggang December 14, 2018.

Kasama si Winwyn sa original cast ng programa, pero hindi natuloy ang participation niya kaya ipinalit sa kanya si Sophie Albert.

Sinabi ni Winwyn sa presscon ng Dahil Sa Pag-Ibig na hindi niya alam na "na-cut short" ang airing ng Pamilya Roces.

Tulad ng pahayag ng direktor na si Joel Lamangan, may valid reasons ang pagkawala ni Winwyn sa teleserye.

Saad ng Reina Hispanoamericana 2017, "Hindi ko talaga alam na na-cut short siya.

"Noong time na yun, may crown pa ako na ipapasa ko pa, 'tapos may mga hindi rin nag-swak sa mga schedule.

"May mga scene na kung puwedeng i-compromise, hindi naman hindi puwedeng gawin. Parang ibahin lang nang konti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And happy ako na napunta yung role kay Sophie kasi ang galing niya.

"I’m just fortunate na binigyan ako ng GMA-7 ng isa pa, ang Dahil sa Pag-ibig, dahil ang ganda ng script—sexy pero hindi super sexy."

NANG DAHIL SA PAG-IBIG

At dahil sa pamagat ng bagong TV series na pinagbibidahan niya, ang mga nagawa ni Winwyn nang dahil sa pag-ibig ang isa sa mga tanong na ipinasagot sa kanya.

Sagot ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno, "Takot kasi ako sa tatay ko, ang bait ko kasi.

"Siguro yung time, mas ibinigay ko yung time ko sa partner ko kesa sa family ko.

"Wala naman regrets. Learning lesson naman siya.

"Kahit ibinigay ko yung time ko, at least, ang nangyari sa amin ni Mark [Herras, her ex-boyfriend], nag-meet sila ng dad ko, ng mom ko.

"Okey naman."

Naka-move on ka na ba mula sa breakup niyo ni Mark?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Winwyn, "Hindi naman one hundred percent, but I can say I’m happy being single.

"I’m happy I get to travel alone with my friends, to get to do this kind of role, getting to know myself more, which is true, kasi ngayon lang talaga ako walang kausap sa phone, walang maggu-good morning."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN