Dominic Roco, bakit nag-walkout sa presscon ng Dahil Sa Pag-ibig?

by Jojo Gabinete
May 20, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Tinutukan namin ang pilot telecast ng Dahil Sa Pag-Ibig ngayong hapon, May 20, para tingnan kung tama ang spelling ng family name ni Dominic Roco, ang gumaganap na kaibigan ni Benjamin Alves sa bagong afternoon drama series ng GMA-7.

SPG ang classification ng MTRCB dahil sa mga maiinit na eksena nina Benjamin, Sanya Lopez, at Winwyn Marquez.

Wala nang dapat ipagtampo si Dominic dahil hindi mali ang spelling ng apelyido niya sa closing billboard ng Dahil sa Pag-Ibig.

Noong nakaraang Miyerkules, May 15, ang grand presscon ng drama series na tinatampukan nina Sanya, Winwyn, Pancho Magno, Tetchie Agbayani, Sandy Andolong, Benjamin, at Dominic.

Hindi masyadong napansin ang disappearing act ni Dominic na na-offend dahil double C ang spelling ng apelyido niya sa audio-visual presentation.

Naglabas si Dominic sa Facebook page nito ng mahabang statement tungkol sa insidente, na dahilan ng pag-alis niya sa presscon.

Pero burado na ito matapos humingi sa kanya ng paumanhin ng staff kaya hindi na lumaki ang isyu.

Continue reading below ↓

Bago binura, nabasa namin ang Facebook post ni Dominic na nag-sorry naman sa mga co-star niya dahil sa kanyang walang paalam na pag-alis.

Read Next
Read More Stories About
Dominic Roco, Dahil sa Pag-ibig
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results