Eugene Domingo, ipinaliwanag kung bakit ayaw nang magkaanak

IMAGE Jojo Gabinete


Kahit 47 years old na si Eugene Domingo, sinabi sa kanya ng doktor na puwedeng-puwede pa siyang magbuntis at magkaroon ng anak dahil malusog na malusog pa ang egg cells niya.

Malakas ang mother instinct ni Eugene, pero realistic siya kaya wala sa kanyang plano ang magbuntis.

Paliwanag niya, "Hindi na ako kabataan. In July, I will turn 48, so ayokong mag-anak.

"Okey na, ang dami nang tao sa mundo, di ba? Okey na yun. Dadagdagan ko pa ba?

"Saka istorbo na, di ba? Lola na may ganoon-ganoon [karga] pa? Kung bata-bata...

"Pero ang ibig kong sabihin, I just like to enjoy myself and travel and enjoy what I have already saved.

"I mean, I care for the children, pero siguro yung mga pamangkin ko o yung mga magiging apo ko sa pamangkin ko, yung mga inaanak ko… 

"Meron akong mother instinct , pero okey na sa akin yung mother instinct."

Sabi pa niya, "That’s why I really admire Marian Rivera. Siya talaga, mula ulo hanggang paa, nanay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede bang anihin ang kanyang egg cells tulad ng ginagawa ng ibang mga kababaihan na nangangarap na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng in vitro fertilization?

"Meron," mabilis na sagot ni Eugene.

"Sa totoo lang, ang bongga ng itlog ko!

"Sabi ng OB-Gyne ko, natuwa nga siya, 'Yung itlog mo, bongga! Magkakaanak ka pa!'

"'So, papaano ang gagawin natin, Doktora? I-announce ko sa labas, puwede pa akong mag-anak?'

"Hindi na, okey na.

"Thankful na ako na I help my family, my nephews, other people, okey na yun.

"In my next lifetime siguro, pero as of now, gusto ko na i-baby ako ng baby ko.

"Magbebeybi-beybihan na lang ako."

DEAR UGE

Nakausap ng Cabinet Files si Eugene sa set ng Dear Uge, ang Sunday comedy anthology niya sa GMA-7 na tatlong taon nang napapanood sa telebisyon.

Ipinangako ni Eugene na mas lalo nilang pinagaganda ang bawat episodes ng Dear Uge para sa televiewers na gusto na lang mag-relax tuwing Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagko-concentrate kami ngayon sa mga kuwentong Pinoy na nakakatuwa.

"At the same time, hindi nawawala yung kalokohan ni Uge, pero sa dulo, meron pa rin mapupulot na everyday solutions to your everyday problems."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN