Jose Manalo, ipinalit kay Joey de Leon bilang StarStruck council member

by Jojo Gabinete
May 21, 2019
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

Si Joey de Leon ang isa sa mga council member ng Season 1, Season 2, Season 3, at Season 6 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7 na muling magbabalik sa susunod na buwan.

Hindi na kasama si Joey sa Season 7 ng StarStruck dahil hindi niya tinanggap ang offer, kaya si Jose Manalo ang ipinalit sa kanya.

Malaking hamon at may pressure kay Jose ang pagiging council member ng StarStruck dahil bukod sa mataas ang expectations sa kanya, kailangang mapatunayan niyang tama ang desisyon na siya ang ipalit kay Joey na isa nang showbiz authority.

Sina Cherie Gil at Heart Evangelista ang makakasama ni Jose na magbibigay ng mga payo at patnubay sa aspiring stars ng StarStruck Season 7.

Hindi pa ipinakikilala ang mga contestant ng StarStruck na pare-pareho ang dahilan ng pagsali—ang makatulong at maisalba mula sa kahirapan ang pamilya nila.

May mga kamag-anak ng mga artista na sumali sa auditions, pero hindi ito assurance na makakapasa sila sa StarStruck, tulad ng nangyari sa dalawang kapatid na lalaki ng aktor na bida sa isang pelikula na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results