Kapuso comedienne Divine Aucina, umaming hindi na virgin

by Jojo Gabinete
May 21, 2019
PHOTO/S: Instagram

Nag-aalala ang comedienne na si Divine Aucina na baka magalit ang kanyang mga magulang na konserbatibo at kapatid na pastor dahil sa hindi sinasadyang rebelasyon niyang hindi na siya virgin.

Nadulas lang si Divine habang kausap siya ng entertainment writers na dumalaw sa set ng Dear Uge, ang kanyang regular show sa GMA-7.

Huli na para bawiin ni Divine ang pahayag niya dahil pinutakti na siya ng mga tanong tungkol sa kanyang "unang karanasan."

"Out of curiosity" ang ibinigay na dahilan ni Divine kaya isinuko niya sa isang lalaki ang kanyang virginity, kahit wala silang relasyon at walang involved na pagmamahal.

"Ginawa ko yun, out of curiosity. Matanda na ako, matured na [nang mangyari]," umpisang kuwento ng 27-year-old comedienne.

Kumusta ang experience? Natakot ka ba?

"Curious talaga ako… ano kasi ako… curious cat, yung pagka-adventurist ko…"

May naramdaman ka bang guilt?

"May guilt! Actually, may guilt!" pag-amin ni Divine.

Continue reading below ↓

"Kapag may kilala kang bata or sister, I advise na you do it with the right person, kasi curiosity kills the cat.

"But then, kung hindi naman dahil sa experience na yun, I wouldn’t be who I am today."

Hindi ka na-in love sa lalaking nakauna sa iyo?

"Hindi, napigilan ang puso. Gusto ko lang talaga maranasan."

Bakit siya ang napili mo?

"Friends kami."

Paano ka magpapaliwanag sa pamilya mo kapag nalaman nila?

"There comes a time sa buhay ng isang tao na you have to experience that, at bawat individual ay may iba-ibang personality, different thinking.

"I guess, baka I do not fall sa ganoong category na stays in the same lane, na stagnant.

"Open-minded kasi akong tao.

"Saka nirerespeto ko naman ang lahat ng differences ng bawat individual, so I expect people to respect me too."

Sa kabila ng pagiging liberated ni Divine, mahigpit ang payo niya sa mga kabataang huwag tularan ang ginawa niya.

Continue reading below ↓

"First of all, I do not suggest it to people.

"Hindi sapat na pamantayan na ikaw ay curious na tao that’s why you do it.

"There are limits, may mga limitasyon tayo na kailangan i-consider.

"So for younger people, I really suggest that you do it with someone you love and someone you are attached with.

"Kasi it’s a whole different new experience when you do it with that [person]."

Patuloy ni Divine, "Yung dating ngayon sa millennials ay napakahirap.

"Dati, ang pinapangarap ko noong bata ako, sana magkaroon ako ng love story na katulad ng mga ate ko.

"Yung mga boyfriend nila, kilala ng parents, tapos nililigawan, sinusuyo.

"Pero ngayon, ang hirap-hirap.

"Ang hirap maging affectionate at sensitive na tao sa casual dating world.

"Saka walang tao na gusto ng commitment," hinaing ni Divine.

Naranasan daw noon ni Divine na magkaroon ng mga attachment, pero hindi umubra.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Divine Aucina, Dear Uge
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results