Bianca Umali, nag-audition sa Darna nang walang paalam sa GMA-7?

IMAGE Noel Orsal


Ang Sahaya lead actress na si Bianca Umali ang napapabalitang Kapuso star na sumali sa audition ng Darna, ang long overdue movie project ng Star Cinema.

Walang masama kung sinubukan ni Bianca ang kapalaran nito.

Pero, diumano, walang permiso ng GMA Artist Center (GMAAC) ang ginawa niya kaya hihingan siya ng paliwanag ng talent management agency ng GMA Network, Inc. na namamahala sa kanyang showbiz career.

Tanging si Bianca lamang ang makapagsasabi ng katotohanan tungkol sa alleged audition niya sa Darna na inilihim at kailangan ng kumpirmasyon.

Mga tauhan umano ng ABS-CBN ang source ng leaked information.

Reportedly, nag-iimbestiga na ang mga executive ng GMAAC para malaman nila ang katotohanan.

Trivia: Nang magpatawag noon ng audition ang GMA-7 para sa aktres na gaganap sa television series na Darna, ang former ABS-CBN contract star na si Rica Peralejo ang isa sa mga sumali, pero lihim na lihim ang participation niya.

Hindi napasakamay ni Rica ang much coveted role dahil ibinigay ito kay Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN