Bunsong anak nina Alfred Vargas at Yasmine Espiritu, bininyagan na

by Jojo Gabinete
May 22, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Bininyagan ngayong umaga, May 22, si Alfredo Cristiano IV, ang two-month-old youngest and only son nina Quezon City District V House Representative Alfred Vargas at Yasmine Espiritu-Vargas.

Ginanap ang binyagan sa Christ The King Greenmeadows Church sa Quezon City

Ginanap naman ang baptismal reception sa Marikit Hall ng One Shangri-La, Mandaluyong City.

Continue reading below ↓

Very intimate ang event dahil 50 lamang ang invited guests na karamihan ay mga kamag-anak ng mag-asawa.

Ang direktor na si Mac Alejandre, na kabilang sa mga ninong, ang nag-iisang showbiz personality na namataan ng Cabinet Files.

Mabait at masayahin na bata ang description ni Yasmine kay Cristiano kaya hindi ito mahirap alagaan.

Continue reading below ↓

Minana ni Cristiano ang expressive eyes ni Yasmine, pero tanggap nitong mas kamukha ni Alfred ang kanilang anak.

Incidentally, nagpapasalamat si Alfred sa lahat ng mga residente ng District V ng Quezon City na sumuporta sa kanyang kandidatura na huling termino ng panunungkulan niya bilang congressman.

Double victory ang nangyari dahil nanalo ring konsehal ng District V ang nakababatang kapatid ni Alfred na si PM Vargas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results