Bikoy, nag-iba ang kuwento tungkol sa Totoong Narco List video

IMAGE Courtesy of GMA News


Vico and Bikoy.

Kung may Vico Sotto na hinahangaan at itinuturing na simbolo ng pagbabago at katapatan sa nakaraang 2019 mid-term elections, may "Bikoy" na kinokondena at headline news ngayon ng mga primetime news program sa telebisyon.

Ito ay dahil binawi ni Bikoy ang kanyang mga pahayag noon sa pamamagitan ng limang episodes ng videos na may pamagat na "Ang Totoong Narco List," na nagsasangkot sa mga anak ni President Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Peter Jomel Advincula ang pangalan ni Bikoy, na mahirap na ring paniwalaan kung nagsasabi ng totoo dahil sa kanyang mga pabagu-bagong pahayag.

Sumuko si Advincula sa Northern Police District kahapon, May 22.

Nitong Huwebes ng umaga, May 23, humarap siya sa mga miyembro ng media sa Camp Crame para ibulgar na si Senator Antonio Trillanes IV ang utak ng "Totoong Narco List" videos para siraan si President Duterte.

Nangako raw si Trillanes na babayaran siya ng P500,000 para sa hooded character niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kami magtataka kung VVIP o very very important person ang pakiramdam ni Bikoy habang nagsasalita dahil nasa likuran niya ang lahat ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Seriously?

Sinabi ni Bikoy na scripted ang unang paglitaw niya noong May 6 sa isang presscon na ginanap sa IBP office sa Ortigas Center, Pasig City, dahil orchestrated ito ng Liberal Party at ni Trillanes para sa "Project Sodoma" na may layuning patalsikin sa puwesto si Duterte at ipalit si Vice President Leni Robredo.

"Hindi lang si Senator Trillanes kundi ang iba pa na miyembro ng Liberal Party katulad ng staff ni Senator Leila De Lima at mismong si Senator Riza Hontiveros.

"Ang Project Sodoma ay isang proyekto para pabagsakin si Presidente Duterte at ang makaupo sa oposisyon, si Vice President Leni Robredo and the vice president will appoint from the Senate or from the House, a certain congressman or senator to be the vice president and Senator Sonny will be the line [sic] to be the vice president,” ang mga rebelasyon ni Bikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naghihimutok si Bikoy dahil hindi ibinigay sa kanya ang kalahating milyong piso na talent fee niya para sa karakter na ginampanan sa Ang Totoong Narco List videos.

Sabi pa niya, "After the election, nung wala nang pumapasok from the Otso Diretso, nag-lie low na sila.

"Si Senator Sonny Trillanes, hindi na nakikipag-usap sa akin.

"Nararamdaman ko na unti-unti na akong nilalaglag at ang kinatatakutan ko, baka sila pa ang mag-eliminate sa akin kinalaunan," ang not-worthy-of-a-best-actor-nomination performance and dialogue ni Bikoy.

Nagsisisi na raw si Bikoy dahil, ayon sa kanya, "Ito na yung totoong tawag ng konsyensya ko.

"Napakahirap ho mabuhay sa kasinungalingan. Napakahirap mabuhay sa isang buhay na merong direktor."

Postscript: As expected, itinanggi nina Vice President Robredo at Senator Trillanes ang mga pasabog ni Bikoy.

Desidido si Trillanes na sampahan ng kaso si Bikoy.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN