Maria ni Cristine Reyes, malakas sa Netflix

IMAGE Viva Films


Overwhelmed si Cristine Reyes dahil number 4 ang Maria sa Top 10 Most Watched Non-English Language titles sa Netflix, kahit nagsimula lamang noong May 17 ang online streaming sa unang hardcore action movie niya sa Viva Films.

Unforgettable kay Cristine ang Maria dahil siya ang gumawa ng sariling action scenes niya, kaya bilib na bilib sa kanya ang direktor na si Pedring Lopez.

Bago pa inumpisahan ang shooting ng Maria, sinabi na kay Cristine na magkakaroon ng sequel ang pelikula na itinuturing niyang pinakamaganda at pinaka-challenging sa lahat ng kanyang mga movie project.

Si Lopez ang personal na pumili kay Cristine para gumanap na Maria habang isinusulat pa lamang ang kuwento nito.

Sa interbyu noon kay Lopez ng Cabinet Files, sinabi niya ang kanyang paghanga sa fierce vulnerability slash killer look ni Cristine na wala sa katangian ng ibang mga aktres.

Para kay Lopez, isa si Cristine sa mga pinakamahuhusay na aktres sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pinaplanong sequel, si KC Montero na ang inaasahang lead villain dahil namatay ang karakter ni Ivan Padilla, isa sa mga nagpahirap kay Cristine sa Maria.

Bukod sa Maria, kasali sa Top 10 Most Watched Non-English Language titles sa Netflix ang The Rain, The 12th Man, Undercover, Despite Everything, The Wandering Earth, Quicksand, Le serment des Hitler, The Protector, at In Family I Trust.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN