Matteo Guidicelli, ini-launch ang bagong single

by Jojo Gabinete
May 25, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Si Sarah Geronimo ang hinahanap ng mga dumalo sa launch ng "Sundo," ang single ni Matteo Guidicelli, pero wala ang girlfriend nito.

Ang Music Hall sa Metrowalk, Pasig City ang venue ng launch ng "Sundo," ang '90s hit song ng Imago na ni-revive ni Matteo sa bagong home recording studio niya, ang Viva Records.

Hindi man nagpakita si Sarah, ramdam ng lahat ang presence niya dahil isa sa mga kinanta ni Matteo ang kanyang popular song na "Kilometro" na well-applauded ng audience.

Ikinuwento ni Matteo ang excitement na nararamdaman dahil first time niyang mag-perform sa Music Hall.

Hindi basta single launch ang nangyari dahil nagkaroon si Matteo ng mini-concert na tumagal ng isang oras pero hindi nagbago ang timbre ng boses niya.

Kahit well-publicized na matagal na mawawala si Matteo sa sirkulasyon dahil sa kanyang scout ranger training, nagulat at malakas na “Ohhhh!!!” ang reaksyon ng audience sa announcement ng singer-actor na ang Sundo launch ang last public appearance niya.

Continue reading below ↓

Inulit ni Matteo ang pahayag nito na mawawala siya nang mahigit isang buwan para sa training niya bilang Army reservist.

Ang ina ni Matteo at ilang opisyal sa militar na kaibigan ng singer-actor ang mga special guest sa launch ng "Sundo."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results