Adoptive mother ni Ai-Ai delas Alas, sumailalim sa heart surgery

IMAGE Noel Orsal


Nagpapasalamat si Ai-Ai delas Alas sa Diyos at sa lahat ng mga nagdasal para sa successful heart bypass surgery ng kanyang 91-year-old adoptive mother na si Engineer Fausta delas Alas.

Ilang araw nang hindi mapalagay si Ai-Ai dahil sa labis na pag-aalala na baka hindi kayanin ng nonagenarian mother niya ang operasyon.

Hindi lamang sa puso ang karamdaman ng ina ni Ai-Ai dahil survivor din ito ng kanser, nagkasugat sa noo nang madapa at namaga ang kamay na bunga ng isang car accident.

“Grabe ang nanay ko, ang lakas niya.

“Yung iba kasing pasyente, hindi na pinayagan na sumailalim sa heart bypass operation dahil 80-years-old na sila at may pacemaker pa.

“Ang nanay ko, malakas pa. Ang puso lang niya ang medyo mahina dahil matanda na.

“Kumbaga sa kuryente ng puso, low batt na yung kanya.

“Ang feeling ko, may anting-anting ang nanay ko. Ang lakas e,” kuwento ni Ai-Ai tungkol sa adoptive mother niya na inoperahan kahapon, May 24, sa Philippine Heart Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapatid si Fausta ng ama ni Ai-Ai at siya ang nakagisnan na ina ng Comedy Queen.

Sanggol pa lang si Ai-Ai nang ibigay siya ng tatay niya sa kapatid nito na nag-alaga, nagpalaki at nag-paaral sa kanya.

Mahigpit na magulang si Fausta kaya naranasan din ni Ai-Ai na magrebelde noong kabataan niya.

Sa kabila ng pagiging istrikta ni Fausta, mahal na mahal siya ni Ai-Ai na bumalik sa unang bahay na naipundar niya sa Quezon City para magkasama sila at maalagaan ang tiya na nagpalaki sa kanya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN