Iza Calzado, proud na ibinalandra ang mga pagbabago sa kanyang katawan

IMAGE Instagram


Inspirasyon si Iza Calzado ng mga kababaihan dahil hindi siya natakot na ipakita sa publiko ang unedited photo ng katawan niya, na unang hakbang sa kanyang self-love journey.

Ipinagtapat ni Iza ang maraming pagbabago sa kanyang katawan at ayaw na niyang magtago sa "digitally distorted images" na nakakadagdag pressure para maging perfect siya sa mga larawan.

"My body has gone through so many changes and as a result, I have stretch marks, loose skin, scars and cellulite.

"I no longer want to hide these behind digitally distorted images because truth to be told, this reduces the pressure of trying to look perfect in every picture."

Dahil sa pagpapakatotoo ni Iza, umaani siya ngayon ng mga papuri at paghanga mula sa kanyang Instagram followers.

Ilang minuto matapos i-post ni Iza ang unedited picture niya, nagkaroon agad ito ng libu-libong bilang ng likes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN