Ralf King, di nagpaalam sa One Up members tungkol sa kanyang Idol Philippines audition

by Jojo Gabinete
May 29, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete / ABS-CBN

Nagpa-release mula sa kontrata niya ang One Up member na si Ralf King dahil sa kanyang matagal nang pangarap na lumipat sa ABS-CBN.

Nang sumali si Ralf sa audition para sa Idol Philippines ng Kapamilya Network, Kier King ang pangalan na ginamit niya, hindi ang screen name na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center.

Sa interbyu ng Idol Philippines judges kay Kier, hindi nito binanggit na dati siyang talent ng GMA-7 at binalewala rin niya ang kahalagahan ng pagtanaw ng utang na loob.

Nag-attempt din si Kier na gawing soap opera ang buhay nito sa pamamagitan ng kuwento na hati-hati sila ng pamilya niya sa pagkain ng sardinas dahil sa kahirapan.

Dating kasamahan ni Ralf, aka Kier, sa One Up ang Dear Uge mainstay na si Dave Bornea.

Si Dave ang nagsabing hindi nagpaalam si Ralf sa kanila, pero masaya sila para sa tumiwalag na miyembro ng grupo.

"Nakakalungkot, at the same time, nakaka-proud din kung nasaan man siya ngayon

Continue reading below ↓

"Nakikita naming masaya siya sa ginagawa niya at sinasabi niyang unti-unti na niyang nararamdaman na natutupad ang kanyang mga pangarap," sabi ni Dave nang makausap siya ng Cabinet Files.

"Hindi ko alam" ang sagot ni Dave sa aming tanong tungkol sa desisyon ni Ralf na huwag banggitin sa Idol Philippines na former member ito ng One Up.

"Hindi ko alam, e, basta ang alam ko nasa kabila na siya.

"Kinumusta ko naman siya, sabi niya masaya naman siya, so masaya na rin kami para sa kanya."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results