Marco Gumabao, na-intimidate sa intimate scenes nila ni Anne Curtis

IMAGE Instagram


Unforgettable para kay Marco Gumabao ang recent trip niya sa Lisbon, Portugal para sa shooting ng Just A Stranger, ang second movie team-up nila ni Anne Curtis sa Viva Films.

Bukod sa long flight na inabot ng 24 na oras, memorable kay Marco ang mga magagandang lugar at masasarap na pagkain sa Lisbon na unang beses pa lamang niya na napuntahan.

"Super ganda po sa Lisbon, yung architecture, food—lahat memorable. I really enjoyed going around and tasting their delicacies.

"The most memorable thing siguro is yung after all our beach scenes, we ate so much sa isang food market as in ang daming orders na hindi namin kaya na ubusin.

"Ang layo ng Portugal sa Pilipinas. Sa buildings pa lang, climate, and the people." 

Kumusta ang shooting nila ng pelikula? 

"Konti lang kami lumipad, so everyone has to help in their own little way.

"Wala naman sila ipinabuhat sa akin na equipments pero siguro as an actor, the best way na makatulong ka sa production is kung memorize mo na lahat ang lines mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Grateful din si Marco dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Viva Films para muling makatrabaho si Anne.

Una silang nagkasama sa Metro Manila Film Fest (MMFF) 2018 entry na Aurora

"Sa Aurora kasi medyo short lang ang scenes naming compared to this movie na talagang kaming dalawa all the way.

"Iba talaga ang isang Anne Curtis dahil napaka-professional niya and she has helped me in so many ways.

"Napakabait niya na katrabaho at masaya siya na kasama sa abroad. Nakapunta na siya dati sa Portugal kaya siya ang naging tourist guide namin." 

Sobrang bilib daw si Marco dahil mabilis mag-adjust si Anne kahit maliit lang ang grupo nilang lumipad sa Portugal. 

"She’s independent and she’s very professional in a manner na kapag sa ibang bansa ang shooting, mas limited ang time, mas quick phasing, at bawal ang petiks.

"Si Anne, talagang always on time siya no matter how hard it is for a female, with all the make up and hair, she’s still super professional." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin itinanggi ni Marco na na-intimidate siya sa mga intimate scene nila ni Anne sa Just A Stranger.

"Nahihiya ako at first but we had a workshop prior to the shooting and Anne really helped me a lot to be more comfortable.

"I think normal lang na mahiya sa kaeksena mo, especially if it’s an intimate scene." 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN