Korean actor Song Joong Ki, aliw na aliw sa nakilalang Filipino reporter sa presscon

by Jojo Gabinete
May 31, 2019
PHOTO/S: @songjoongkionly Instagram

Ang South Korean superstar na si Song Joong Ki ang isa sa mga bida ng Arthdal Chronicles, ang epic Korean fantasy drama na mapapanood sa Netflix simula bukas, June 1, 2019.

Nag-imbita ang Netflix ng foreign press para sa grand presscon ng Arthdal Chronicles sa Gangnam, South Korea noong May 29, 2019.

Ang Philippine Star contributor na si Shirley Pizarro ang ipinadala ng entertainment editor na si Ricky Lo para sa coverage ng bagong television series ng Netflix.

Ipinagbabawal sa mga international press junket ang photo-op sa mga artista.

Pero sa loob ng tatlumpong minuto, nakuha ni Shirley ang full attention ni Song Joong-Ki habang iniinterbyu niya at ng ibang entertainment writers, sa tulong ng isang interpreter, ang sikat na Korean actor.

Isang mobile app ang ginamit ni Shirley para ma-record at ma-transcribe niya nang diretso ang mga sinasabi ng English translator ni Joong Ki.

Amazed na amazed si Joong Ki habang tinitingnan nito na mabuti ang paglabas sa screen ng cellphone ni Shirley ng English words na sinasabi ng kanyang interpreter.

Continue reading below ↓

Nang hindi makatiis, paulit-ulit na nagsalita si Joong Ki ng “I love you, I love you" at aliw na aliw siya nang makita niya na lumalabas sa cellphone screen ni Shirley ang kanyang mga sinabi.

Naging generous naman si Shirley sa pagpapaliwanag nang magtanong si Song Joong Ki tungkol sa mobile app na ginagamit niya.

Dahil sa sobrang excitement, tinawag ni Joong Ki ang kanyang assistant para i-download nito sa kanyang cellphone ang mobile app na pumukaw sa interes niya.

Si Joong Ki ang lead actor ng Descendants of The Sun, ang sikat na 2016 K-drama na pinagbidahan nila ni Song Hye Kyo.

Ang Song-Song couple na sina Joong Ki at Hye Kyo ay ikinasal noong October 31, 2017.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @songjoongkionly Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results