Newbie singer Via Ortega, ipinangalan sa isang restaurant

Via Ortega, ang kapwa Viva artists na sina Sarah Geronimo at Nadine Lustre ang favorite singer-actress.
by Jojo Gabinete
Jun 1, 2019
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang entertainment writer na si Mercy Lejarde ang mentor at discoverer ni Via Ortega, ang 13-year-old singer na bagong contract star ng Viva Records.

Sophia Fininanos ang tunay na pangalan ni Via.

May funny anecdote tungkol sa screen name na ibinigay sa kanya ni Mercy.

Si Mercy ang nagkuwento sa Cabinet Files na naganap ang unang pagtatagpo nila ni Sophia sa Via Mare restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

Nang magkita ang dalawa, ang palitan ang pangalan ni Sophia ang unang naisip ni Mercy.

Nang tumingin si Mercy sa paligid, ang pangalan ng restaurant ang nakita niya kaya, mula noon, Via na ang first name ni Sophia.

"Sinabi po niya kaagad na, 'Via Ortega ang pangalan mo,'" sabi ni Via sa Cabinet Files.

Pumayag ka agad na Via ang pangalan mo, hindi mo ba sinabi na puwede bang ibang restaurant ang ipangalan sa iyo, like Annabel?

Natawa si Via pero sumagot ng "Opo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanggaling naman ang family name na Ortega sa motherside ni Via, na ikinukumpara kay Sarah Geronimo noong kabataan nito dahil may resemblance sila.

Nagkataon ding sina Sarah at Nadine Lustre ang mga favorite singer-actress ni Via.

"I’m not trying to be my idols, but they inspire me to work and to be at my best.

"Marami na silang experiences and ako, beginner pa lang, so hindi agad magiging star or sisikat kaagad.

"Nagsimula rin sila sa pagiging beginner na katulad ko."

Three years old si Via nang ma-discover ng kanyang mga magulang ang talent niya sa pagkanta kaya pinag-aral siya ng voice lessons sa veteran at award-winning songwriter na si Vehnee Saturno.

Si Mercy naman ang nagpakilala sa kanya kay Vic del Rosario Jr., ang head honcho ng Viva Entertainment, Inc.

Ang "Paghanga," na isang feel-good bubblegum track, ang unang single ni Via sa Viva Records.

Ayon kay Via, maraming bata ang makaka-relate sa kanta niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It’s about a girl na hindi kayang aminin ang nararamdaman para sa crush niya.

"I think marami sa mga ka-age ko ang makaka-relate sa 'Paghanga.'"

Trivia: Hindi lamang entertainment writer si Mercy Lejarde.

Siya rin ang direktor ng mga bold films na Naiibang Hayop, ang launching movie ni Irma Alegre noong 1983, at Magdalena…Buong Magdamag, ang 1984 movie ng namayapang sexy actress na si Claudia Zobel at ni Karla Kalua, ang ina ng magkapatid na Ella at Michelle Madrigal.

Kakontemporaryo noon ni Mercy ang talent manager na si Rey dela Cruz, na may mga alagang bold star na nanggaling naman mula sa mga softdrink ang screen names—gaya nina Sarsi Emmanuelle, Coca Nicolas, at Pepsi Paloma.

Mga talent din ni Rey ang Street Beauties na sina Brandy Ayala, Irish Buendia, Guada Guarin, at Aurora Boulevard na mga bold star din noong dekada ’80.

Kaya hindi na kami nagtaka nang maisip ni Mercy na gamiting screen name ng kanyang alaga ang pangalan ng isang restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results