Quezon's Game, nadaragdagan ang audience dahil sa word of mouth

by Jojo Gabinete
Jun 2, 2019

Ang word of mouth na maganda ang Quezon’s Game at ang favorable reviews sa pelikula ng Star Cinema at Kinetek ang mga dahilan kaya nadaragdagan ang mga nanonood ng historical movie na tinampukan nina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro.

Must-see movie ang Quezon’s Game na dapat i-require ng Department of Education na panoorin ng mga kabataan ngayon para malaman nila ang isang mahalaga na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.

Ito ay ang tulong na ginawa noon ni President Manuel L.Quezon para mailigtas mula sa tiyak na kamatayan o holocaust sa Europe ang 1,200 Jews na tinanggap niya sa Pilipinas bago sumiklab ang World War II.

Nabigyan nina Raymond at Rachel ng hustisya ang pagganap nila sa karakter nina Manuel at Aurora Quezon, respectively, kaya imposibleng hindi sila magkaroon ng acting nominations sa sangkatutak na award-giving bodies sa Pilipinas.

Hindi lamang ang pagtulong ni Quezon sa mga hudyo ang mapapanood sa Quezon’s Game dahil ipinakita rin sa pelikula ang katigasan ng ulo niya.

Continue reading below ↓

Kahit may sakit sa baga at dumudura na ng dugo, hindi pa rin tinigilan ni Quezon ang pag-inom ng alak at paggamit ng tabako.

Kung panonoorin ng young Pinoy generation ang Quezon’s Game, malalaman nilang Balintawak ang unang plano ni Quezon na maging pangalan ng Quezon City at nadestino rin sa Pilipinas ang American Lieutenant Col. na si Dwight Eisenhower bago ito nahalal na 34th President ng Amerika noong 1953.

Higit sa lahat, ipinakita sa pelikula ang mga dahilan kaya hanggang ngayon, mataas ang respeto ng Jews sa mga Pilipino dahil sa desisyon ni Quezon na payagang manirahan sa Pilipinas ang kanilang mga ninuno na nakaligtas sa holocaust.

REFUGEE JEWS IN THE PHILIPPINES

Marami ang nagsabing ipinagmamalaki nila ang pagiging Pilipino matapos panoorin ang Quezon’s Game.

Ang singer-actress na si Isay Alvarez-Seña ang isa sa mga makapagpapatunay ng kabutihan ng Jews sa mga Pilipino dahil sa kanyang karanasan nang magpunta siya sa Israel.

Continue reading below ↓

"Didn’t know this big contribution of Quezon and Filipinos then..1200+ Jews were exiled here during Hitler’s reign.

"Then I remember the special treatment we experienced, when crossing Jordan/Israel border..

"BECAUSE WE ARE FILIPINOS.. a special lane was opened to us. Aba! Usually, kasama kami sa oras ang bilang bago maproseso ng immigration! May power ang pasaporte ko!

Continue reading below ↓

"Sa border ng Israel at Jericho, may border patrol na sumasakay para inspeksyon.. nu’ng malamang Pilipino kami, ‘di na umakyat At binigyan pa kami ng regalong souvenirs.

"Even up to now, they still consider our contribution to humanity," kuwento ni Isay matapos panoorin ang Quezon’s Game.

Nabasa naming may kinalaman rin ang pagtulong ni Quezon at mga Pilipino sa refugee Jews sa tagumpay ni Rose Fostanes sa unang season ng The X Factor Israel noong April 2014 dahil sa suportang natanggap niya mula sa mga Israeli.

Continue reading below ↓

Noong 2009, pinasinayaan sa Rishon Lezion Memorial Park sa Israel ang Open Doors monument bilang pagpupugay at paggunita sa historical at spiritual ties sa pagitan ng mga Pilipino at ng Jews na tinulungan ni Quezon na makarating sa Pilipinas.

Bukod sa Quezon’s Game, may nauna nang pelikula tungkol sa pagliligtas ni Quezon sa mga Jew, ang 2013 documentary movie na Rescue in the Philippines na may actual interviews sa mga Holocaust survivor.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results