35th Star Awards for Movies, nataon sa second anniversary ng Resorts World Manila attack

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

Ang Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila ang venue ng 35th Star Awards na ginanap kagabi, June 2, 2019.

Iilan na lamang ang nakaalala na kahapon din ang ikalawang anibersaryo ng pagsunog ni Jessie Javier Carlos sa casino ng Resorts World Manila noong June 2, 2017.

Mahigit sa 30 tao ang nagbuwis ng buhay sa krimen na ginawa ni Carlos, na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril at pagsusunog sa sarili sa kuwarto ng Maxims Hotel.

Limot na ng young shrieking fans na dumalo kagabi sa Star Awards for Movies ang malagim na insidente dahil nangibabaw ang excitement na makita nila sa personal ang mga hinahangaan na artista.

Walang nagawa ang mahigpit na security personnel sa fans na bumaba mula sa audience gallery at lumapit sa mga artista para magkaroon sila ng souvenir pictures.

Ang redundant na maraming salamat at thank you ang words of the night dahil sa winners, gaya ni Sanya Lopez na paulit-ulit na nagsabi sa kanilang acceptance speech ng "Maraming-maraming salamat po at thank you."

Continue reading below ↓

Dapat ipaalaala sa kanila na pareho lamang kahulugan ng thank you at maraming salamat.

Tie sa New Movie Actor of the Year category sina Ryle Santiago at Danzel Fernando, pero isa lamang ang trophy kaya empty-handed ang una nang bumaba mula stage.

Pito lamang sa 12 veteran stars na pinarangalan bilang Natatanging Bituin ng Siglo ang sumipot dahil hindi nakarating sina Susan Roces, Joseph Estrada, Vilma Santos, Nora Aunor, at Anita Linda.

Continue reading below ↓

Nakagayak na dumalo si Anita pero biglang namantal ang katawan niya.

Ang direktor na si Adolf Alix Jr. ang tumanggap ng plaque of appreciation na iginawad sa 94-year-old actress na nagsimula ang acting career noong 1943.

Mahigpit ang bilin ni Anita na huwag kalimutan ni Adolf na pasalamatan ang discoverer niya—ang direktor na si Lambert Abellana.

Ang parangal sa Natatanging Bituin ng Siglo ang highlight ng 35th Star Awards for Movies dahil sa pagsasama-sama sa isang entablado ng mga aktor at aktres na nakagawa ng maraming pelikula at nanalo ng pinakamaraming bilang ng acting awards—sina Eddie Garcia, Phillip Salvador, Gloria Romero, Ramon Revilla Sr., Tirso Cruz III, Christopher de Leon, at ang former child wonder na si Niño Muhlach na emosyonal kaya napaluha.

Continue reading below ↓

Kabilang sina Gelli de Belen at Iza Calzado sa mga host ng program.

Si Gelli ang nagsabing nakikita nito sa audience gallery si Assunta de Rossi, at si Iza ang nagtuwid sa pagkakamali niya dahil si Sanya ang kanyang tinutukoy.

Mabilis ang pabirong sagot ni Gelli na si Assunta ang nakikita niya sa kanyang POV.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results