Hamburger at pizza, bawal ding ipasok sa SM Cinemas

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2019

Walang katotohanang mga pagkaing may sauce, rice and pasta meals, at food on stick lamang ang mga ipinagbabawal ng SM Cinema management na ipasok ng moviegoers sa loob ng sinehan.

Naranasan naming harangin ng security personnel ng SM Cinema ang hamburger na dala namin, at ganito rin ang karanasan noong May 24 ng isang entertainment writer na may bitbit na pizza kaya napilitan siyang iwan sa guard ang pagkain na baon niya.

Naranasan din naming madiktahan ng SM Cinema personnel sa pagbili ng popcorn.

Dahil ipinagbabawal nga ang pagdadala ng outside foodand drinks, bumili na lang kami ng popcorn sa Snack Time.

Pero ang salesclerks pa rin nito ang nasunod.

Apparently, hindi naubos ang stocks ng promo tumbler ng mga foreign movie kaya ito ang pilit na ibinenta sa amin ng Snack Time personnel dahil ubos na raw ang mga box tumbler, na imposibleng mangyari.

Mas mahal ang presyo ng popcorn na nakalagay sa mga promo tumbler dahil binabayaran din ito.

Continue reading below ↓

Wala kaming choice kundi sundin ang idinidikta ng mga salesclerk ng Snack Time dahil hindi nga puwedeng ipasok sa loob ng SM Cinema ang pagkaing hindi binili mula sa kanilang snack store, na maikukumpara sa isang broad daylight robbery…

Hanggang ngayon, nasa pag-iingat pa rin namin ang Jurassic World popcorn tumble na aming pinaghinayangan na iwan sa loob ng sinehan dahil sa pangambang baka i-recycle ito.

Since then, hindi na kami nanonood sa mga sinehan ng SM, maliban na lang kung doon ginaganap ang mga premiere night ng mga pelikula ng local movie productions.

Hindi lamang ang SM Cinema management ang nagbabawal ng pagdadala ng outside food dahil ganito rin ang patakaran ng mga namamahala sa Shangri-La Cineplex.

WALK AND STAND

Sa kabila ng "no outside food and drinks" policy ng SM Cinema management, na pinapalagan ng maraming moviegoers, may malaking kontribusyon sa Filipino humanity ang SM Malls.

Ito ay ang pagtuturo nila ng walk and stand o ang wastong paggamit ng escalator na unti-unti nang natututunan at sinusunod ng ilang mga Pilipino na pasaway at kulang sa disiplina.

Continue reading below ↓

Ang SM Mall management ang pasimuno sa pagpapatupad ng walk and stand escalator etiquette na tinularan na rin ng ibang mga mall.

Read Next
Read More Stories About
SM Cinemas, SM Cinema
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results