Dalawang lumang pelikula ni Vilma Santos, nawawala

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2019

Ang film reel ng Batingaw ang isa sa mga pelikulang ipinagbibili sa antique shop sa Quezon City na pinuntahan ng Cabinet Files.

Ayon sa male salesclerk, ibinebenta nila sa halagang P2,500 each ang mga film reel pero hindi siya sigurado kung buo pa ang mga negatibo ng pelikula.

Sinabi ng salesclerk na may ibang mga film reel na mabibili sa San Juan City branch ng kanilang antique shop.

Ang Batingaw ang 1974 movie nina Zaldy Zshornack, Rosanna Ortiz, at Boots Anson Roa na napanood namin sa sinehan at ipinalabas noon sa Piling Piling Pelikula, ang movie block ng IBC 13 mula 1975 hanggang 1996.

Continue reading below ↓

Marami na ang kopya ng old Tagalog movies na hindi na mahanap dahil kung hindi nawala, ginawang torotot ang mga negatibo na ibinebenta tuwing Bagong Taon ng mga negosyanteng ignorante sa kahalagahan ng mga pelikula na malaking bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.

Kung magkakaroon ng interes ang mga tauhan ng National Archive of the Philippines, maaari nilang puntahan ang antique shop na aming tinutukoy dahil baka puwedeng maisalba pa ang mga film reel na nakita namin.

Noong 2003, natagpuan ng filmmaker na si Nick Deocampo sa US Library of Congress ang negatibo ng Zamboanga, ang 1937 movie ni Fernando Poe Sr. na ibinalik sa Pilipinas at ipinalabas sa 11th Pelikula at Lipunan Film Festival noong February 2004.

Nakuha ng US Library of Congress mula sa Finland ang mint condition copy ng 82-year-old movie ng ama ni Fernando Poe Jr.

VILMA SANTOS MOVIES

Kabilang ang kopya ng trilogy movie na Lipad, Darna, Lipad (1973) at Hatinggabi Na Vilma (1972) sa mga pelikulang nawawala at patuloy na hinahanap.

Continue reading below ↓

Si Vilma Santos ang bida sa 1973 film na itinuturing na pinakamaganda sa lahat ng Darna movies, at siya rin ang lead actress sa Hatinggabi Na Vilma.

Continue reading below ↓

May mga kuwentong matatagpuan sa isang Asian country ang negatibo ng Lipad, Darna, Lipad pero bigo ang mga naghahanap.

Malay natin, baka naririto lamang sa Pilipinas at ibinebenta sa mga antique shop ang film reels na hinahanap.

Walang mawawala kung susubukan ng mga tauhan ng National Film Archive of the Philippines na suyurin ang mga antique shop bago nila hanapin sa ibang bansa ang lost Filipino movies.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results