Hidilyn Diaz, binatikos dahil sa "pamamalimos" sa social media

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2019
PHOTO/S: Marlo Cueto / SPIN.ph

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez na hindi nagkulang ang gobyerno ng suporta kay Hidilyn Diaz, ang weightlifter na silver medalist sa Rio Olympics noong 2016.

Ayon kay Ramirez, isa si Hidilyn sa mga tumatanggap ng pinakamataas na allowances sa national pool.

Hindi pa nangangalahati ang taon pero apat at kalahating milyong piso (P4.5 million) na raw ang naibigay ng PSC kay Diaz para sa training nito sa China.

Ang naturang agency rin daw ang nagbabayad sa monthly salary at food allowance ni Julius Kaiwan Gao, ang coach ng female weightlifter.

Umaani ng mga batikos ngayon si Hidilyn dahil sa kanyang now-deleted message sa kanyang Instagrm feed:

"Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020?

"Hirap na hirap na ako. I need financial support.

"Sa tingin niyo, okay lang kaya? Nahihiya kasi ako, pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa ating bansa, na maiuwi ang gold medal sa Olympics."

Continue reading below ↓

Idinagdag pa ni Ramirez na bukod sa tulong ng PSC, tumatanggap din ng suporta mula sa Philippine Air Force si Hidilyn dahil enlisted personnel ito.

Sa pagkakaalam ni Ramirez, nagbibigay rin ng tulong kay Hidilyn ang private companies tulad ng MVP Foundation ni PLDT Chair Manny V.P angilinan.

Iniimbitahan ni Ramirez si Hidilyn na bumisita sa kanyang opisina para mapag-usapan nila ang problema.

Kahit burado na ang IG post ng balak na "panlilimos" ni Hidilyn, nakakatanggap pa rin ito ng mga panghuhusga at paratang na nagpapaawa lamang siya.

Ayaw paniwalaan ng detractors ni Hidilyn ang claim nitong hirap na hirap na siya dahil sa kanyang mga product endorsement at sa P6 million cash incentives na natanggap nang mapanalunan niya ang gold medal sa 2018 Asian Games weightlifting competition sa Jakarta noong August 2018.

Tig-dalawang milyong piso ang ibinigay kay Hidilyn ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission, at P1 million each ang kanyang natanggap mula kay Philippine ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee at Siklab Pilipinas Sports Foundation.

Continue reading below ↓

Limang milyong piso naman ang ipinagkaloob ng PSC kay Hidilyn nang manalo siya ng silver medal sa Rio Olympics noong 2016.

Think before you click ang dapat na inisip ni Hidilyn bago siya nag-post sa social media ng kanyang balak gawin para nakaiwas siya sa mga hindi makatarungang bashing.

Sa ginawa ni Hidilyn, binigyan niya ng pagkakataon ang bashers at haters na kuyugin, akusahan, at husgahan siya.

Mga akusasyon na below-the-belt, matitindi, at mas mabibigat kesa sa mga bakal na binubuhat niya.

Maraming solusyon para makakalap si Diaz ng financial help gaya ng pagpapadala ng sulat sa mga private company na interesadong suportahan ang kanyang Olympic bid sa susunod na taon, hindi ang paghingi sa opinyon ng publiko sa pamamagitan ng Instagram post na hindi naman napanindigan dahil binura niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Marlo Cueto / SPIN.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results