PBA player, tinakasan ang bill sa isang five-star hotel

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi maganda para sa image ng isang PBA player ang ginawa nito sa isang five-star hotel.

Early this week, nag-check in ang basketball player sa hotel for an overnight stay at nag-deposit siya ng P15,000 cash para sa kanyang kuwarto at incidental expenses.

Nang mag-check out ang PBA player, nagkataong down ang computer system kaya hindi ma-retrieve ang record niya.

Dahil nagmamadali at ayaw maghintay, sinabi ng player sa front desk clerk na wala siyang items na na-consume mula sa minibar ng kanyang hotel room.

Nagtiwala ang front desk clerk sa basketball player dahil kilala itong sportsperson kaya ang bayad sa one-night stay lamang ang ibinawas niya mula sa deposit payment.

Pero sinabi ng front desk clerk sa PBA player na tatawagan ito sa kanyang contact numbers, in case na may ibang mga bayaring dapat i-settle.

Kaaalis lamang ng PBA player nang bumalik sa normal ang computer system kaya agad na nakita ng frontdesk clerk na worth P11,000 ang naka-charge sa kuwarto ng guest.

Continue reading below ↓

Tinangka ng empleyado na habulin ang umalis na PBA player at hiningi pa niya ang tulong ng hotel security guards, pero nabigo sila.

Sinubukan ng frontdesk clerk na tawagan ang PBA player sa mga cellphone number na isinulat nito sa check-in form, pero walang sagot mula sa kabilang linya.

Hindi rin nag-abala ang PBA player na sagutin ang mga text message na ipinadala sa kanya ng hotel employee.

Guilty ng deceit ang PBA player dahil sa deklarasyon nito sa frontdesk clerk na walang dapat ibawas sa deposit payment, kahit may mga bayarin siyang ipina-charge niya sa kanyang kuwarto.

Ang hindi pagsagot ng PBA player sa mga tawag at text message sa kanya ng frontdesk clerk ang isang indikasyon na wala siyang intensiyong harapin o panagutan ang obligasyon na tinakasan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results