Martin del Rosario, na-shock sa malicious blind item sa kanila ni Kiko Matos

IMAGE Noel Orsal


Tulad ng kanyang Because I Love You co-star na si David Licauco, biktima rin si Martin del Rosario ng malicious fake news na nagsimula rin sa blind item.

Ito ay ang alleged sexual encounter nila ni Kiko Matos, ang leading man ni Martin sa Born Beautiful, ang launching movie niya noong 2018.

Just like David, pinagtawanan lang ni Martin ang fake news na, diumano, itinuloy nila ni Kiko sa ibang lugar ang kanilang intimate love scene.

"Na-shock ako. Grabe naman dahil hindi pa raw ako makapunta sa taping dahil masakit daw yung puwet ko," sabi ni Martin tungkol sa blind item.

"Sabi ko, hindi ko ma-imagine, sinasabi ko kay Direk Perci [Intalan], ‘Direk Perci, ayoko munang mag-shoot kasi masakit po yung puwet ko.’

"Hindi naman ako naapektuhan, natawa lang ako. Ginawa ba talaga namin yun?

"Yung pagkabasa ko sa blind item, parang ako nga yung tinutukoy. Parang ako.

"Hindi ko alam kung bakit lumabas [ang isyu]. Ang wild ng isyu. Hindi siya yung normal na isyu."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung totoo naman ang isyu, aaminin mo naman, di ba? ang tanong kay Martin ng Cabinet Files.

"Saka makikita niyo na hindi ako makakalakad," mabilis na sagot ni Martin.

NUDE PHOTO

Minsan na ring naging biktima si Martin ng kanyang leaked private picture, na hindi fake news dahil inamin niyang siya talaga ang nasa larawan na kumalat noong February 2016.

Pero hanggang ngayon, naninindigan si Martin na hindi niya alam ang identity ng taong palihim na kinunan siya ng litrato.

Tinanong si Martin ng kanyang pamilya kung sino ang photographer at ang nagkalat ng kanyang nude photo, pero hindi raw niya talaga matandaan.

"Inaamin ko naman po, ako naman talaga.

"Tinanong nila ako, pero kasi hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung kailan.

"Siguro, yung kabataan, kasi nangyayari yun, e.

"Nasa banyo ako, e, hindi ko alam kung bagong ligo ba ako."

Pero kung nakunan ka ng picture at lumabas yun, definitely, kung sino ang kumuha, siya ang nagkalat ng litrato? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Martin, "Feeling ko, stolen yun.

"Nasa banyo ako, malamang, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko doon.

"Siguro nakabukas ang pinto, may gumanoon sa akin…"

So, anong lesson ang natutunan mo, huwag lalabas ng banyo nang hubo? 

"Hahahaha! Hindi ko kilala talaga. Never akong nag-confront, tutal inamin ko naman.

"Kung ako yun, lahat naman tayo naghuhubad, di ba?" sabi ni Martin.

Hindi na nag-abalang magdemanda si Martin dahil hindi nga niya kilala ang culprit.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN