Bayani Agbayani, nababahala sa kalagayan ng pelikulang Pilipino

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2019
Bayani Agbayani: "Unahin po natin ang mga pelikula na sarili nating gawa..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ang appeal ni Bayani Agbayani sa presscon ng Feelennial, ang romantic comedy movie nila ni Ai-Ai Delas Alas na ipapalabas sa mga sinehan sa June 19.

Gaya ni multi-awarded director Joel Lamangan, nababahala si Bayani sa kalagayan ng Philippine movie industry dahil higit na tinatangkilik ng mga Pilipino ang foreign films.

"Unahin po natin ang mga pelikula na sarili nating gawa. Sabi nga po ni Direk Joel Lamangan, kung mamamatay ang pelikulang Pilipino, sino pa ang magkukuwento ng kultura at ng kuwentong buhay ng mga Pilipino?

"Unahin po natin ang pelikula natin, kinikilabutan ako. Simulan po natin ang pagsuporta sa June 19.

"Ako po mismo, avid fan ako ng pelikulang Pilipino kaya tuwing Metro Manila Film Festival o yung showing ng mga pelikula, makikita niyo po ako sa mga sinehan.

"Talagang pagala-gala ako. Wala akong pakialam kung ako lang mag-isa ang nanonood o kami ng pamilya ko.

Continue reading below ↓

"Basta po maganda ang pelikula, pinupuntahan ko sa mga sinehan, kaya tangkilikin po natin ang pelikulang Pilipino dahil ito po ang buhay ng mga Pilipino, hindi lamang ng industriya," ang pakiusap ni Bayani.

Joint venture ng Cignal TV at ng DSL Poductions ni Pops Fernandez ang Feelennial.

Nagpasalamat si Pops kina Bayani at Ai-Ai dahil sa professionalism na ipinakita ng dalawa sa shooting ng unang attempt niya sa movie production.

"On time sila sa shooting, mall shows…That makes the job a little bit easier for us. Si Ai-Ai, si Bayani, sobra po akong nata-touch. Kapag hindi ko po nakakaya ang isang bagay, sila mismo ang tumatawag sa akin, nagte-text, tumutulong talaga sila. Napaka-supportive nila," ang mga papuri ni Pops sa lead stars ng Feelennial.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani: "Unahin po natin ang mga pelikula na sarili nating gawa..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results