David Licauco ayaw na sa walang kuwentang paghuhubad

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2019
David Licauco wants to lessen his paghuhubad for TV and movie scenes. He says, "Yung tipong walang kuwentang maghuhubad lang ako, siguro tapos na ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Dahil sa unforeseen production delay, sa June 26 at hindi na June 12 ang playdate sa mga sinehan ng Because I Love You, ang launching movie nina David Licauco at Shaira Diaz sa ALV Films.

To date, ang Because I Love You ang biggest movie break ni David dahil siya ang lead actor ng pelikula.

At kahit hindi pabor ang kanyang mga magulang, may mga eksena rito kung saan nag-shirtless siya.

Kung si David ang masusunod, iniiwasan na niyang maghubad sa pelikula at telebisyon, pero ito raw ang madalas na ipinapagawa sa kanya ng mga direktor.

"Honestly, ayaw nila [his parents].

"Actually, ako, personally, parang siguro when I'm in the beach or like if the scene requires something na kailangan kong maghubad like beach scene or like gym scene.

"Pero yung tipong walang kuwentang maghuhubad lang ako, siguro tapos na ako. Hindi ko na gagawin," ang deklarasyon ni David.

May insidente ba na tumanggi kang maghubad para sa isang eksena?

Continue reading below ↓

"Yeah. Ako kasi, gusto ko ina-advise ako, if ever, 'O, maghuhubad ka dito ha? Na-offend ako that time pero ni-let go ko na, naghubad din ako dahil okey naman yung show namin.

"Pero next time, gusto ko talaga kung maghuhubad ako, dahil may relevance. Naghubad ako dahil nasa beach."

Hindi lamang ang paghuhubad sa pelikula at telebisyon ang binibigyan ni David ng limitasyon dahil may deadline din siya para sa showbiz career niya.

"I give myself limit kung hanggang kailan ako sa showbiz. I have to help my dad sa business.

"Meron kaming logistics, meron kaming Chowking at Jollibee branches, gasolinahan, mga ganoon.

"As of now, I’m having fun. I enjoy the process of it like itong presscon, cool. Something na next time, masasabi ko sa magiging apo ko na nag-lead ako sa film. Ininterbyu ako ng magagaling na tao, nagpe-presscon ako.

"Pero yun nga, gusto ko rin magkaroon ng family. Na-appreciate ko naman ang showbiz pero in my case, I love showbiz. I love acting, I love the process of it, pero when the time is right na kapag sinabi ng daddy ko na, 'David, kailangan mo na akong tulungan,' ready na akong mag-settle down, siguro it’s time."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco wants to lessen his paghuhubad for TV and movie scenes. He says, "Yung tipong walang kuwentang maghuhubad lang ako, siguro tapos na ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results