Vickie Rushton, na-distract kaya di nakasagot nang maayos sa Q&A ng Bb. Pilipinas

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2019
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook

"Na-distract" sa isang manonood na tumayo at nag-make face kaya hindi niya nasabi ang mga gustong sabihin sa question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas 2019, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kagabi, June 9.

Ito ang sagot ni Vickie Rushton nang tanungin siya ni Jeff Fernando ng Umagang Kay Ganda tungkol sa resulta ng kanyang pagsali sa 56th edition ng Binibining Pilipinas.

"Nasayangan ako. I know kung ano ang sasabihin ko, pero may nag-distract sa akin sa audience. May tumayo at nag-make face," paliwanag ni Vickie.

Ayon pa sa kanya, kahit papaano, nag-prepare siya kaya alam niya ang isasagot pero nagkaroon nga ng distraction.

Dahil sa nangyari, nabigo si Vickie na maiuwi ang isa sa mga korona ng Binibining Pilipinas.

Hindi pa masabi ni Vickie ang kanyang mga susunod na plano dahil hindi pa raw niya naiisip.

Bago nangyari ang question and answer segment, isa si Vickie sa mga pinakamalakas na kandidata at hinuhulaang mag-uuwi ng beauty title dahil sa mga special award na kanyang hinakot.

Continue reading below ↓

Napansin ng mga nanood ng coronation night ng Binibining Pilipinas 2019 na na-distract si Vickie kaya kapani-paniwala ang paliwanag nito.

Pero ang judge na si Daniel Padilla ang pinaghihinalaan nilang dahilan ng distraction ng girlfriend ni Jason Abalos.

Si Daniel ang nagtanong kay Vickie tungkol sa opinyon nito sa kahalagahan ng mental health na, ironically, dahilan para magkaroon ng mental block ang aspiring beauty queen.

Nakakaawa si Vickie dahil natalo na nga, biktima pa siya ng bashing ng mga taong ipinamumukha sa kanya nang husto ang pagkatalo niya.

Madali para sa mga basher ang husgahan si Vickie at ang ibang mga kandidata ng Binibining Pilipinas dahil hindi nila alam ang pakiramdam ng mga contestant na inaatake ng nerbiyos at matindi ang pagnanasang manalo.

DINDI GALLARDO

Hindi nag-iisa si Vickie dahil nangyari rin kay Dindi Gallardo ang naranasan niya sa question-and-answer segment ng Binibining Pilipinas noong 1993.

Continue reading below ↓

Just like Vickie, nag-fumble si Dindi sa pagsagot sa tanong ng judge dahil, ayon sa kanya, na-distract siya sa obscene finger gesture ng isang miyembro ng audience.

Sina Dindi at Ruffa Gutierrez ang top contenders para sa Bb. Pilipinas-Universe title noong 1993, isa sa pinakamaingay, well-attended, at pinaka-controversial edition ng beauty pageant ng Binibining Pilipinas Charities, Inc.

Si Ruffa ang inaasahang mananalo ng Bb. Pilipinas-Universe crown pero si Dindi ang nagwagi, sa kabila ng performance nito sa question-and-answer portion.

Si Dindi rin ang humakot noon ng mga special award.

Ang Bb. Pilipinas-World ang ibinigay na beauty title kay Ruffa, na blessing in disguise dahil siya ang itinanghal na Second Princess sa 43rd Miss World na ginanap sa South Africa noong November 27, 1993.

Si Vickie ang first runner-up sa Binibining Pilipinas 2018 pero nabigo siyang manalo ng beauty title sa pangalawang beses na pagsali niya.

May mga nagpapayo kay Vickie na sumali uli sa susunod na taon, pero baka hindi na siya mag-qualify dahil hanggang 26 years old lamang ang age requirement sa mga nagnanais na lumahok sa Binibining Pilipinas.

Continue reading below ↓

Nabigo man si Vickie, may consolation pa rin siya.

Ito ay ang special award na napanalunan niya na kanyang-kanya lang—ang Bb. World Balance.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results