Co-star ni Eddie Garcia sa Rosang Agimat, naniniwalang di napatid sa kable ang veteran actor

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon / Facebook

Kung may mga netizen na nakikisawsaw at may mga sinisisi tungkol sa nangyari kay Eddie Garcia sa taping ng Rosang Agimat noong Sabado, June 8, may netizens din namang malalawak ang pag-iisip at tumutulong sa imbestigasyon ng GMA Network Inc. management sa pamamagitan ng paulit-ulit na panonood sa viral video ng pagkakadapa ng veteran actor.

Hindi napatid si Eddie sa kable ang "unanimous verdict" ng concerned netizens na kontra sa pahayag ni Lilibeth, ang longtime partner ng multi-awarded actor.

Pahayag ni Lilibeth sa PEP.ph: "He tripped on a cable wire of the production. Fell face down and fractured something base neck c1and c2."

Cast member ng Rosang Agimat ang character actor na si Dindo Arroyo.

Nasa taping siya nang mag-collapse ang 90-year-old actor.

Kasama rin ni Dindo sa taping ng upcoming primetime series ng GMA-7 sina John Regala at Jestoni Alarcon.

Nang mag-umpisa na kumalat ang kung anu-anong kuwento tungkol sa nangyari kay Eddie, isa si Dindo sa mga unang umapela.

Continue reading below ↓

"Pls. stop making stories about Tito Eddie. Kami nandoon, mas maraming nagmamarunong?" sabi ni Dindo.

Paulit-ulit ding pinanood ni Dindo ang video ng pagkakadapa ng kanyang co-star sa Rosang Agimat.

Gaya ng mga concerned netizen, masusing pinanood ni Dindo ang video ng pagkakabagsak ni Eddie.

Hindi rin sumabit sa kable ang paa ng veteran actor ang kanyang opinyon.

"This is the version of slowmotion!!! Hindi sumabit sa paa ang kable!!! Stop making up stories!!!

"Tito Eddie needs your prayers. GMA 7 is as Top po of the situations [sic]. Eddie Garcia is ok for now," panawagan ni Dindo sa lahat ng mga nakikisawsaw sa isyu pero hindi alam ang buong pangyayari.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results