Carmina Villarroel, nag-backout sa The Heiress dahil sa isa ring horror film

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi na matutuloy ang special participation ni Carmina Villarroel sa The Heiress, ang horror movie na pagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Dumalo si Carmina sa storycon ng The Heiress noong April 30.

Sa interbyu sa kanya, sinabi niya ang excitement na nararamdaman dahil sa muling pagsasama nila ni Maricel sa pelikula.

Pero nagkaroon ng conflict nang malaman ni Carmina na plano ng Regal Entertainment Inc. na isali ang The Heiress sa Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Nauna kasing tinanggap ng aktres ang Sunod, ang horror movie na gagawin ng Ten17P, ang boutique film company ng direktor na si Paul Soriano.

Nang tanggapin ni Carmina ang offer ng Ten17P, sinabi agad sa kanya ang balak na isali ang Sunod sa Metro Manila Film Festival 2019.

Kung itutuloy niya ang special participation sa The Heiress, tiyak na magkakaroon ng problema ang mga movie producer dahil parehong horror movie ang genre ng mga nabanggit na pelikula.

Continue reading below ↓

Hindi madali para kay Carmina ang magdesisyon, pero pinili niya ang Sunod dahil ito ang unang project na kanyang tinanggap.

Magsisimula na ang shooting ng Sunod sa linggong ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results