Eddie Garcia nag-collapse hindi dahil sa heart attack

by Jojo Gabinete
Jun 9, 2019
The cause of Eddie Garcia's collapse yesterday, June 8, is not caused by heart attack or aneurysm or stroke, according to a family member of the actor.
PHOTO/S: Noel Orsal

Contrary to earlier reports yesterday, June 8, hindi heart attack, hindi aneurysm, at lalong hindi stroke ang dahilan kaya nawalan ng malay ang veteran at multi-awarded actor na si Eddie Garcia sa set kahapon ng Rosang Agimat, ang upcoming primetime television series ng GMA-7.

Nanggaling ang paglilinaw mula sa isang malapit na miyembro ng pamilya ni Eddie na nagsabing nawalan ng malay ang respected veteran actor nang madapa ito dahil napatid ang paa niya sa isang kable habang kinukunan kahapon ang eksena.

Malinaw na makikita ang pagkakadapa ni Eddie sa video ng chase scene na kumakalat ngayon sa social media.

Dahil sa unfortunate accident, nagkaroon ng fracture ang kanyang base neck C1 at C2 vertebrae.

Sinuri na rin si Eddie ng family doctor, na nag-rule out din na atake sa puso o aneurysm ang nangyari sa aktor.

Continue reading below ↓

Matatandaang sa ulat ng GMA-7 reporter na si Cata Tibayan kahapon, isang kaanak ang nagpadala ng statement, kung saan sinabi na, "Manoy Eddie Garcia is at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care."

Mula sa Mary Johnston Hospital, kung saan unang dinala ang 90-year-old actor, inilipat si Eddie sa Makati Medical Center, at kasalukuyan siyang naka-confine sa Intensive Care Unit.

Ngayong umaga, June 9, naglabas ang GMA Network Inc. management ng official statement tungkol sa video na nakunan ang insidente.

"The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took before we make any conclusions on what really transpired.

Continue reading below ↓

"The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson.

"We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition. Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery."

Read Next
Read More Stories About
Eddie Garcia
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cause of Eddie Garcia's collapse yesterday, June 8, is not caused by heart attack or aneurysm or stroke, according to a family member of the actor.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results