Anne Curtis, agaw-eksena sa Binibining Pilipinas 2019

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2019
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook

Ang Miss Universe Philippines crown ang katumbas ng best actress category sa sangkatutak na award-giving bodies sa Pilipinas dahil iyon ang itinuturing na highest honor sa mga gabi ng parangal.

Sa 56th edition ng Binibining Pilipinas na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong June 9, ang 23-year-old na si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu ang nanalo ng Miss Universe Philippines title kaya siya ang "star of the show."

Pero may isang personalidad na effortless na umagaw ng atensiyon mula kay Ganados at, para sa iba, siya ang tunay na winner.

Ito ay walang iba kundi ang Binibining Pilipinas 2019 host na si Anne Curtis.

Scene stealer si Anne at ang mga gown na ginamit niya sa kanyang hosting stint sa prestigious beauty pageant.

Apat na beses nagpalit si Anne ng gown na gawa ng mga fashion designer na sina Michael Cinco, Michael Lleyva, at Patty Ang kaya natalbugan niya ang 40 official candidates na isang gown lamang ang isinuot sa kabuuan ng coronation night.

Continue reading below ↓

Kasabay ng pagpapalit ng gowns ang apat na beses na pagpapalit ni Anne ng hairstyle.

Habang inaabangan ng Big Dome audience at ng televiewers ang announcement ng winners, inabangan din nila ang mga damit na isusuot ni Anne.

Game na game si Anne na naging tagahawak ng microphone ng isang kandidata sa question-and-answer portion, na hindi nakaligtas sa paningin ng manonood gaya ni Vice Ganda.

Sa June 10 episode ng It’s Showtime, ginaya ni Vice ang pagiging microphone girl ni Anne habang sumasagot si Miss Sorsogon Maria Isabela Galeria.

"Ang sabi ng mga bakla, ang ganda ng suot ni Anne Curtis, pinaghawak ng mic," biro ni Vice.

Iba naman ang napansin namin sa question-and-answer segment ng 56th Binibining Pilipinas.

Habang sinasagot ng mga kandidata ang tanong ng judges, taimtim na nakikinig si Anne at parang gustung-gusto rin niyang sumagot.

Dahil kay Anne, lalong naging interesting sa viewers ang nasabing beauty pageant kaya hindi nagkamali ang Binibining Pilipinas Charities Inc. at ang ABS-CBN sa pagpili sa kanya bilang co-host ni Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results