Mars, lilipat na sa GMA-7; ABS-CBN, makipag-partner kaya sa ZOE?

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2019

Natapos na ang partnership ng GMA News TV at ng ZOE Broadcasting Network kaya simula noong June 3, napapanood na ang mga programa ng sister station ng GMA-7 sa Channel 27.

Ang Jesus Is Lord church-leader na si Bro. Eddie Villanueva ang may-ari ng Zoe Broadcasting Network.

Nag-umpisa ang partnership ng ZOE at ng GMA-7 nang i-launch noong November 11, 2005 ang QTV, pero pinalitan ito ng GMA News TV noong February 28, 2011.

Ang Wagas, Day Off, at Mars ang ilan sa mga programa ng GMA News TV na nagpaalam sa ere nang matapos ang partnership ng network at ng Zoe Broadcasting.

Ang Mars ang talk at lifestyle show nina Suzi Abrera at Camille Prats na nagsimula noong June 11, 2012 at nagwakas noong May 31, 2019.

Ang Mars ang isa sa mga pinakamatatag na programa ng GMA News TV dahil tumagal ito ng pitong taon.

Short-lived lamang ang pamamahinga ng Mars dahil ililipat ito sa GMA-7.

Mapapanood ang Mars mula Lunes hanggang Biyernes, pero hindi totoo na itatapat ang show nina Suzi at Camille sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Tuwing umaga rin ang timeslot ng Mars, samantalang ang cartoon shows ng GMA-7 ang mananatiling katapat ng Magandang Buhay dahil sa mataas na ratings ng animated programs ng Kapuso Network.

At dahil nagwakas na ang partnership ng ZOE Broadcasting Network at ng GMA News TV, may mga nagtatanong kung posibleng magkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Bro. Eddie Villanueva at ng management ng ABS-CBN.

Ito ay kasunod ng balitang pumutok ngayong araw, June 12, tungkol sa hindi pag-aksyon ng Committee on Legislative Franchises sa application for renewal to broadcast ng ABS-CBN na nakatakdang mag-expire sa March 2020.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results